Advertisers

Advertisers

Bea Alonzo binitawan ng manager, may bagong namamahala ng career

0 5

Advertisers

Ni Anne Venancio

Natapos na ang professional relationship nina veteran talent manager Shirley Kuan at A-list actress Bea Alonzo matapos magbitiw si Kuan bilang manager ng aktres noong Agosto 11, 2026, na naging publiko naman noong Agosto 23.

Nagsimula ang partnership nina Bea at Shirley noong Hulyo 2020, matapos umalis ng aktres sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN. Sa loob ng anim na taon, pinamahalaan ni Kuan ang showbiz career ni Bea, kabilang ang kanyang mga endorsement at television projects sa GMA-7.

Samantala, may mga lumutang na ulat at espekulasyon tungkol sa posibleng dahilan ng kanilang paghihiwalay. Kabilang dito ang kontrobersiya sa naudlot na planong kasal nina Bea at businessman Vincent Co sa Spain noong Mayo.

Ayon sa mga ulat, umano’y nagdesisyon si Kuan na magbitiw matapos niyang maramdaman na hindi siya ipinagtanggol ni Bea sa mga isyung lumutang laban sa kanya noong kasagsagan ng kontrobersiya. Gayunman, nananatiling walang direktang pahayag si Bea tungkol sa naturang usapin.

Sa kabila nito, natuloy ang pagpapakasal nina Bea at Vincent sa isang civil wedding sa Makati noong Hulyo 13, 2026.

Samantala, nagsimula ngayong linggo si Chris Cahilig, director ng Puregold CinePanalo Film Festival, bilang interim manager ni Bea. Ayon kay Chris, tinanggap niya ang responsibilidad dahil nais niyang makatulong kina Bea at Vincent sa pamamahala ng career ng aktres at pag-aasikaso sa mga natitirang proyekto.