Advertisers

Advertisers

Top 7 most wanted person ng Caloocan, arestado

0 16

Advertisers

Kulong ang isang lalaki na tinaguriang “Top 7” Most Wanted Person ng Caloocan City matapos malambat sa ikinasang manhunt operation sa naturang lungsod.

Ayon kay Caloocan Police Chief P/Col. Ruben Lacuesta, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan Police hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si alyas “Rudy”.

Bumuo ng team ang WSS, katuwang ang mga tauhan ng NDIT RIUNCR at Police Sub-Station 6 at ikinasa ang joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado ala-1:20 ng medaling araw sa Kaunlaran Village, Libis Baesa, Barangay 160 Sta. Quiteria.



Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Barbara Aleli Hernandez-Briones ng FC Branch 1, Caloocan City noong 12, 2024, para sa kasong Sexual Abuse under Sec. 5(b) of R.A 7610.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Caloocan Police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">