Advertisers

Advertisers

‘PUTOK SA BUHO’

0 36

Advertisers

LUBHANG kakatwa at hindi kapa-paniwala ang sitwasyon ni Alice Guo, ang alkalde ng Bamban, Tarlac. Batay sa kanyang salaysay sa public hearing sa Senado, hindi alam ni Guo kung saan sa Filipinas siya ipinanganak. Hindi niya alam kung ano ang pangyayari sa buhay niya.

Hindi niya alam ang pangalan ng kanyang mga magulang, ang mga paaralan na nagbigay ng homeschool education, at kahit mga grado niya. Sukdulan siyang pinagtawanan ng publiko. Iisa ang konklusyon: Hindi siya Filipino. Kung wala siyang maipakitang katibayan ng pagka-Filipino, malaki ang posibilidad na Intsik siya.

Isa siyang mamamayan ng mainland China, o iyong tinawag ni Mackoy Villaroman na Pulahang Tsina. Isa siyang Pulahang Tsino, sa maikli. Kaduda-duda ang kanyang damdaming makabayan. Tahasan namin sinasabi na hindi siya Filipino. Putok siya sa buho.



Maraming tanong sa pagharap niya sa Senado. Paano nakapasok sa bansa? Sino ang nagpasok sa kanya? Mas lalong dumami ang mga tanong ng pumutok ang pangalan ni Gongdi. Mukhang kinamada ni Gongdi ang pagpasok niya sa Filipinas. Hindi namin alam kung ano ang itatawag namin kay Gongdi. Ngunit kunumpirma ang taguri na isang siyang taksil sa bayan.

Umusbong ang mga tanong kung paano siya nakalahok sa pulitika ng bansa. Bakit napakadali sa kanya na tumakbo siyang mayora at nanalo? Umagos ang salapi upang bilhin ang poor, o mahihirap, o nabili niya ang Comelec? Batid natin na madaling bilhin ang eleksyon upang mahalal ang hindi karapat-dapat. Wala itong integridad.



Kaugnay dito, nais namin bigyang diin ang isang panukala ni Surigao del Norte Kin. Robert Ace Barbers na alisin ang poder sa Bureau of Immigration and Deportation na magpapasok sa bansa ng mga estudyante mula Tsina. Ang BID ang dahilan kung bakit marami ang mga Chinese students dito. Alisin ang poder ng BID na mag-isyu ng student visa. Pahayag ni Barbers:

BARBERS URGES BBM TO SCRAP ERAP EO 285



Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers urges PBBM to scrap Erap’s EO 285 which allows the Bureau of Immigration to convert tourist visas to student visas.

“In today’s setting, this particular power by the BI can be abused. This arbitratry power to convert visas is the worst legalized scheme that can be used by unscrupulous personnel for monetary gain”, Barbers said.

“The 16,200 student visas that the BI granted to Chinese nationals in 2023 is simply unacceptable. Nevermind if other countries grant more, we should never use that as our yardstick given our tense relationship with China”, Barbers said.

“The DFA should be the sole agency in charge of granting visas to foreigners. It alone possesses the expertise to determine whether the applicants are eligible or not”, Barbers added.

Under EO 285, an inter agency committee on foreign students was created chaired by CHED, with the DFA, NBI, NICA and DepEd as members.
*
HINDI lang ang pagkakalagay ng maraming sasakyan-pandagat sa paligid ng mga isla sa loob ng teritoryo ng Filipinas, o pagkanyon ng tubig sa mga sasakyan ng Filipinas ang karaniwang gawain ng Chinese Coast Guard upang angkinin ang hindi sa kanila.

Ngayon, nagtatambak sila ng dinurog na koral upang gumawa ng isla na maaaring ipagmalaki bilang bahagi ng teritoryo ng Tsina kahit malapit na ito sa Filipinas. Ito ang taktika ng Tsina. Ginagawa ito sa kasalukuyan sa Escoda (Sabina) Shoal na may layong 75 nautical miles sa Palawan, ang lalawigan na nasa pinakakanluran ng Filipinas.

Mas malapit sa Palawan ang Escoda Shoal kesa sa pina-aawayan na Ayungin Shoal na nasa West Philippine Sea. Ayon kay Commodore Jay Tarriela, spokesman ng Philippine Coast Guard sa usaping ng West Philippine Sea, mahigit 30 Chinese militia vessels, maliban sa research ship ng Tsina, Navy vessels at helicopter ang nakita ng Filipinas pagkatapos ng matagal nang deployment ng BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal.

Sa kanyang pagharap sa Saturday News Forum sa Dapo Restaurant, sinabi ni Tarriela batay sa research findings ng isang pangkat ng University of the Philippines (UP) marine biologists na pinamumunuan ni Dr. Jonathan Anticamara, ang paglaki ng sandbars sa Sandy Cay ay may nakikita ng ganap. Ngunit iba sa Escoda Shoal, ani Tarriela.

“Dito kumbaga nagsisimula pa lang. So kung sasabihin natin na itong pagdu-dump ng coral na ginawa nila sa Sandy Cay has allowed them (China) to expand itong land area, surface area na ito as artificial island, then most likely kung hindi natin imo-monitor ito, at hindi natin babantayan ito, baka sa mga susunod na buwan, magulat na lang din na sa Sabina Shoal, ay malalaki na rin ang mga isla na ginawa nila,” aniya

Itinambak ang mga dinurog na koral malapit sa Escoda Shoal in WPS tulad ng ginawa nila sa Sandy Cay, aniya. Gumagamit ang Tsina ng koral bilang “pantambak (landfill),” ani Tarriela. “That means they have to kill all the corals, as many corals as possible, for them to use that as a foundation for their island-reclamation,” aniya.
***
PAHAYAG ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard sa WPS isyu.

What I find truly fascinating about China is their ability to employ deception, denial, and false narratives while projecting a facade of concern for regional stability. They excel at crafting statements and narrating events in a way that convinces others of their peaceful intentions and care for the marine environment.

However, our commitment to transparency has effectively exposed their true actions and motives. Through compelling images and videos, we have consistently revealed the falsehoods behind their convincing lies. Our primary objective is to expose the truth and unveil their pretense, so that they come to realize that no amount of deceit can conceal their ambitious and greed-driven agenda of controlling the entire South China Sea.

The findings of the Philippine Coast Guard, which confirm China’s construction of artificial islands and extensive damage to the coral system, are supported by concrete evidence. China cannot simply dismiss these findings as disinformation, as we have documented the presence of their vessels in the area. It is widely known that China is the only country in the region that disregards environmental concerns.

Furthermore, it is perplexing how a single Philippine Coast Guard vessel could provoke a response from over thirty maritime militia, three Chinese Coast Guard vessels, three PLA Navy warships, and three research vessels in Escoda Shoal. It is time to stop lying and be man enough to own your unlawful plans that is in progress.

***

Email:bootsfra@gmail.com