Advertisers

Advertisers

HULYO KADA TAON IDINEKLARA NI PBBM BILANG PH AGRICULTURISTS’ MONTH

0 13

Advertisers

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Hulyo ng bawat taon bilang Philippine Agriculturists’ Month bilang pagkilala sa dedikasyon ng mga agriculturist at itaas ang kamalayan sa kahalagahan ng sektor ng agrikultura.

Batay sa Proclamation No. 544 na nilagdaan ni Pangulong Marcos noong Mayo 10 at ngayon lamang isinapubliko ng Malakanyang, binanggit na ang pagdiriwang na ito ay magpapalakas sa kanilang hanay sa pamamagitan ng pagtaguyod ng adbokasiya sa agrikultura, pananaliksik at pagbuo ng mga patakaran, at magbibigay-daan para sa pagpapatayo ng negosyo, pagsasanay sa komunikasyon, at pag-unlad ng komunidad.

Binanggit sa proklamasyon ang mga kontribusyon ng mga dalubhasa sa agrikultura at ibinida ang kanilang kahalagahan sa pamamagitan ng isang buwan na dedikado o laan sa kanilang pagsisikap at dedikasyon na magtataas ng kamalayan tungkol sa kahalagahan ng sektor ng agrikultura sa pagpapalakas ng produktibidad at kompetisyon sa buong bansa.



Ayon sa direktiba, ang Manila School of Agriculture, na itinatag noong Hulyo 1989, ay magbibigay ng teoretikal at praktikal na edukasyon sa mga bihasang magsasaka at tagapangasiwa, at magtataguyod ng pag-unlad ng agrikultura sa Pilipinas sa pamamagitan ng obserbasyon, eksperimento at pagsisiyasat para sa mas malalim na kaalaman at pag-unawa sa agrikultura ng Pilipinas. Ito ay nagbigay-daan upang maging pormal nang educational course ang agrikultura sa bansa.

Kasabay nito, inatasan naman ang Department of Agriculture (DA) at Professional Regulation Commission (PRC) at maging ang Board of Agriculture na pangunahan ang pakikipag-ugnayan at pamamahala sa paggunita ng Philippine Agriculturists’ Month at tukuyin ang mga programa, aktibidad at proyekto para sa taunang selebrasyon.



Hinikayat din ni PBBM ang lahat ng mga sangay ng gobyerno at maging ang pribadong sektor na magbigay ng kinakailangang suporta at tulong na may kinalaman dito. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">