Advertisers
IBINIDA ng isang college lecturer mula sa Nueva Ecija University of Science and Technology-Gabaldon Campus ang larawan ng kaniyang mga mag-aaral habang kumukuha ng pinal na pagsusulit sa kaniyang klase.
Makikita sa Facebook post ni Alvin Valdez ang ginawa niyang paraan upang maibsan ang init na nararamdaman ng mga mag-aaral lalo’t kukuha sila ng finals.
Makikitang maayos na nakahilera sa pagkakaupo ang mga mag-aaral, sa ilalim ng mga puno, kaya hindi mainit at nadadapuan pa sila ng hangin.
Pahayag pa ng guro, sadyang mahalaga ang mga puno dahil nagbibigay sila ng likas na “cooling system” laban sa init.
“Imagine a place where trees are parts of cooling system. staying under their shade is so beneficial and helpful,” aniya.
Bukod sa mas presko, maiiwasan din umano ang “kopyahan” sa ganitong klaseng set-up.