Advertisers

Advertisers

Rider todas nang takasan ang nabundol na pastor

0 9

Advertisers

NASAWI ang isang binata nang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa konkretong barrier nang takasan ang nabundol nitong pastor sa Quezon City, Linggo ng gabi.

Dead on tha spot ang rider na nakilalang si Reynaldo Sesgundo Yang, 29 anyos, construction worker, ng Corocan Talisay, Barangay Payatas, Quezon City.

Ginagamot naman ngayon sa East Avenue Medical Center ang pastor na si Moises Ganiban, 51, ng 814 Mindanao St., Lupang Pangako, Bgry. Payatas B, Quezon City, na nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan.



Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 5, bandang 6:00 ng gabi (May 19) nang maganap ang aksidente sa Payatas Road sa harapan ng Payatas Elementary School.

Batay sa imbestigasyon ni P/SMS Hebry C Tingle ng Traffic Setor 5, binabagtas ni Yang ang Payatas Road galing Montalban patungo sa Commonwealth Ave. nang masalpok nito ang minamanehong motorsiklo ng pastor.



Nang makitang tumilapon ang pastor, mabilis na tumakas si Yang patungo sa Litex road pero namataan ito ng nagpapatrolyang mga tauhan ng Bagong Silangan Police Station 13.

Hinabol ng mga pulis si Yang at dahil sa bilis ng pagpapatakbo nito ng motor, bumangga sa konkretong barrier at bumagsak una ang ulo sa kalsada na agaran nitong ikinasawi.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">