Advertisers

Advertisers

Cessna plane bumagsak sa La Union: 2 sugatan

0 37

Advertisers

BUMAGSAK ang isang 4-seater Cessna aircraft sa Northern Luzon nitong Martes ng umaga.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ang naturang eroplano ay may sakay na isang pasahero at isang piloto.

Isinugod sa pagamutan ang mga sugatan.



Unang nakatanggap ang CAAP ng report mula sa San Fernando Tower sa La Union hinggil sa pagsadsad ng eroplano at nagdeklara ng emergency ilang sandali matapos lumipad. At ilang sandali lang, bumagsak ang eroplano sa tubig.

Nabatid na ang operator ng Cessna plane ay Leading Edge International Aviation.



Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Aircraft Accident and Inquiry Investigation Board (AAIIB) ng CAAP. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">