Advertisers
VIRAL ngayon ang video na makikita ang pisikal at berbal na pang-aabuso ng isang guro sa tatlong Grade 9 na mag-aaral, na nagdulot ng takot na pumasok sa kanilang mga klase sa isang pampublikong high school sa Lubao, Pampanga nitong Huwebes.
Ang footage ng insidente, na kinunan ng isang kapwa mag-aaral, na naglalarawan sa guro na halatang galit at berbal na inaabuso ang mga mag-aaral. Sinasabi ng mga mag-aaral na nagulat sila sa pagsisigaw ng guro habang nagkukulitan ang mga ito sa klase.
Mabilis na lumaki ang sitwasyon nang salakayin ng guro ang tatlong estudyante, kanyang pinaghahampas, sinasampal at hinihila ang buhok habang pinapagalitan ang nga nag-aaral.
Nasa pagitan ng 13-15 taon gulang ang mga mag-aaral na ito.
Hindi nagustuhan ng mga magulang ang ginawa ng guro.
Samantala, tinuligsa ni Lt. Colonel Dederick Relativo, hepe ng Lubao Municipal Police Station, ang ginawa ng guro.
“Nakita natin sa video na hindi siya naging appropriate response in handling such situation… Nasaktan sila, they suffered physical abuse and at the same time ‘yung verbal abuse which is a clear violation of Republic Act 7610.”
Sinampahan na ang guro ng paglabag sa RA 7610, Child Protection Act.
Inalis na ang guro sa kaniyang tungkulin, at isinangguni sa Department of Education (DepEd) Regional Office ang kaso para sa masusing imbestigasyon.
Magsasagawa rin ang DepEd Division Office sa Pampanga ng sarili nitong imbestigasyon.