Advertisers

Advertisers

Mas klik pa raw ang BarDa… Ruru at Bianca kinuwestyon ang award bilang Most Popular Loveteam; Ronnie pinag-init si Loisa

0 14

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

USAP-usapan pa rin hanggang ngayon ng mga nagmamahadera ang pagkakatanghal sa tambalang RuCa nina Ruru Madrid at Bianca Umali bilang most popular love team of the year ng isang tanyag na award-giving body.

Sey ng mga nagmamaldita, di raw nila naramdaman ang pagiging love team ng dalawa lalo pa’t mas identified daw ang aktor sa naging leading ladies niya na sina Gabbi Garcia at Kylie Padilla.



May mga nagsasabi pang may mas deserving pa raw na loveteams sa dalawa sa nasabing titulo.

Sa teleserye naman nilang pinagsamahan, tila kinabog din nila ang BarDa nina Barbie Forteza at David Licauco na may cult following na dahil sa recall ng mga seryeng Maria Clara at Ibarra at Maging Sino Ka Man.



Kumpara rin daw sa DonBelle na ilang TV series at pelikula na ang pinagsamahan, masasabing bagito pa raw ang kanilang tambalan sa kanilang paghahambing.

Sa isang portal, ito naman ang naging reaksyon ng mga kate-katera at sawsawera sa naging titulo ng real life sweethearts.



“Most popular ba sila?Parang di naman.”

“Nasaan ang BarDa? Naungusan pa nila.”

“Pangmalakasang one time, big time ba ito?”

“Mas may following naman ang BarDa!”

“Di ba mas deserving ang DonBelle.Mas tinitilian sila at may solid na fan base.”

“May Prince at Princess of Philippine TV na  ang DonBelle. Pakonsuwelo eme.”

“Bakit bihira silang gawan ng proyekto sa Kamuning para ma-push pa ang kanilang love team.”

“Di ko knows ang presidente ng fans’ club nila.”

“Prerogative ng BOE awards kung sino ang feel nilang bigyan ng awards kahit may mas deserving pa sa kanila.”

***

SA kanyang Instagram account, nag-post si Ronnie Alonte ng snapshots niya sa kanyang latest ganap.

Makikitang nakaupo lang ito na parang katatapos lang sa pagsabak sa isang event.

Nakasando at shorts ang aktor at suot din nito ang kanyang paboritong cap.

Hindi naman napigilang magkomento sa mga litrato niya ang kanyang dyowa.

Sey ni Loisa: “hot naman nito 🥵””

Sumang-ayon naman ang followers ng Kapamilya actor na tinaguriang Kilig King.

Tugon naman ni Ronnie sa kanyang partner: “@iamandalioloisa luh”

Sinundan pa ito ng reaksyon ng aktres na: “kaya pala uminit uli 🔥🥵☀️”

Sey ng kibitzers, pinag-init daw ng aktor ang kanyang girlfriend.

Ito naman ang ilang komento ng netizens.

“oppa🥵🥰.”

“teh @iamandalioloisa ang gwapo san pwedeng makakahanap ng ronnie a. V2”

“sobrang hot kahapon pa beh.Jusko yung crowd at sigawan wagas.Pero yung cap talaga bigay daw ni misis, Ayieehhh love you both💜💜💜”

“bigay nga kasi ni loiskie yung cap❤😂”

“Pakili kili ka naman master”

“Jusko apakahot MO nmn po. Iloveyou.. ❤️🔥😍”