Advertisers

Advertisers

Elisse may átraso’ kay McCoy kaya pinayagan na maraming tsiks sa socmed

0 16

Advertisers

Ni ARCHE LIAO

TALK of the town  ngayon ang naging pagtatanggol ni Elisse Joson sa kanyang partner na si McCoy de Leon.

Nababatikos kasi ang actor dahil naaakusahan itong chick boy sa dami ng girls na followers nito sa TikTok at iba pang social media accounts.



Ayon kay Elisse, hindi raw nakikita ng lahat ang pagpupursige ng partner na maging mabuting ama sa kanilang anak na si Feliz kasama na ang araw-araw na pag-aadjust nito sa kanilang pagsasama sa iisang bubong.

Idinagdag pa niya ang pagiging selfless ni McCoy na inuuna ang pamilya kesa ang sarili at maging ang pagprotekta nito sa kanya hanggang sa huli.



Nakiusap din siya sa mahaba niyang sulat na huwag ikahon ang esposo dahil tulad ninuman ay tao rin itong nagkakamali at nasasaktan.

Naging palaisipan naman sa kibitzers ang bahagi ng kanyang  cryptic post na “I did something that hurt him really bad. Now that he’s hurting he doesn’t know how to take the pain away. He’s living with closed eyes. … he’s protecting me so that the blame will be on him”.



Nagsanga-sanga rin ang mga opinyon sa kanyang makahulugang post na di totally na-gets ng ibang nagmamahadera at nagkaroon ng ibang meaning.

Ito naman ang naging reaksyon ng netizens sa nasabing post.

“Ewan ko lang ah pero grabe ang pag-gaslight ni Elisse sa sarili niya. She emphasized the word pa na “AKO“… “na AKO ay nagkamali”. It still doesn’t justify yung pag-follow ni Mccoy sa mga pa-thirst trap girls sa TikTok. Kaloka! Ano ba purpose niya sa pag-follow ng mga ganong babae, knowing na may asawa’t anak na siya? Gaslight at its finest. 👏🏻”