Advertisers

Advertisers

Bagets, hinipuan ng manyakis sa Caloocan

0 18

Advertisers

Naaresto ng Valenzuela PNP ang isang lalaki nang hipuan sa puwit ang isang menor-de-edad na babae sa Barangay 171, Bagumbong, Caloocan City, noong Biyernes.

Kinilala ni Valenzuela City police chief PCol Nixon M. Cayaban ang naaresto na si alias “Macaraeg”, 48, residente ng Lungsod ng Caloocan.

Sa ulat, ang 15-anyos na babaeng biktima inutusan ng tiyahin sa kalapit na tindahan at habang papunta sa tindahan biglang sumulpot sa kanyang likuran si Macaraeg at pinisil ang kanyang puwit kaya natakot ang biktima



maging sa itsura ng lalaki.

Nagsumbong ang dalagita sa tiyahin nito at tiyempong nakasalubong ang pulis na si PMSg Marjun Tubongbanua, nakatalaga sa Valenzuela City Police Station, at residente din sa lugar ng pinangyarihan na papasok na sana sa trabaho.

“Pina-describe ko po sa kanila ‘yung itsura [suspek], pati suot po na damit, at saang direksiyon papunta” pahayag ng pulis.

Hindi na nagdalawang-isip na hanapin ni PMSg Tubongbanua ang inilarawang suspek hanggang sa mamataan niya ito na naglalakad sa kalsada, humigit-kumulang 100 metro ang layo mula sa pinangyarihan.

“Nag-struggle pa po kami kasi pilit po siyang tumatakas nung nagpakilala po akong pulis at nung sinabi ko sa kanyang may nagrereklamo sa kanya na hinipuan niya,” ayon kay PMSg Tubongbanua.



Nang magawang padapain ng pulis ang suspek, dito na inaresto si Macaraeg na positibo namang kinilala ng biktima na siyang nambastos sa kanya.

Kasalukuyang nakakulong sa Lungsod ng Caloocan si Macaraeg at nahaharap sa kasong acts of lasciviousness in relation to RA 7610.(Beth Samson)