Advertisers
HUMATAW ng ikalawang panalo ang IPPC(Itakura Parts Philippines Corp.)Hawks matapos idispatsang mas kumbinsido ang Ateneo, 8-4 sa ikalawang weekend na ng 1st Season Liga Baseball Philippines ( LBP) Tingzon Cup sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Maynila.
Mahigpitan ang laban ng magkabilang panig mula simula hanggang 7th frame 4-4 pero sa top of 8th ay umalagwa ang Hawks ni coach Orlando Binarao at pag-aari ni businessman / sportsman Kunifumi Itakura.
Isang walk ni Ferdinand Liguayan at hit ni Lyle Caasalan ang nagresulta ng 2 runs sa top of 8tn inning na nasundan pa ng dalawa sa top 9th nina Jarus Inobio at Jerome Florida sa RBI ni Jonard Pareja na siyang naging final score sa laro ng ligang inorganisa nina LBP chairman Amando ‘Wopsy Zamora, President Jose ‘Pepe Muñoz at Executive Director Rodolfo ‘Boy Tingzon.
“ Na-walk, errors at nasundan pa ng hits kaya kami naka-score ng 4 runs. Naka-jell na sa samahan ang ating mga bagong saltang players kaya narito na ang IPPC at pasiklab na ang kalibre nila para sa layuning magkampeon dito sa inaugural season ng LBP,” wika ni coach Binarao sa panayam.
“Inspired sila sa message ni boss Itakura nung unang pahìrapang panalo namin vs NU pati na ang presensiya ng aming plant manager Lester Villarino. Now it’s a convincing victory for IPPC”, sambit naman ng tagapangasiwa ng koponan at spokesperson ni Itakura na si Iris Magpantay.
Ang iba pang miyembro ng IPPC Hawks ay sina Nico Alig,Ram Alipio, Mark Beronillo, Erwin Bosito, at Kirk Bigcas. (Danny Simon)