Advertisers

Advertisers

Dahil annulled na kay Pampi…Jodi pakakasal na kay Raymart?

0 7

Advertisers

Ni BETH GELENA

DINEPENSAHAN ni Albie Casiño si Nikko Natividad dahil sa pagreak niya sa dalawang participant ng EXpecially For You na naba-bash.

Sa Instagram stories ng actor ay binahagi niya ang kanyang opinyon about Nikko’s viral statements.



Nirepost pa niya ang screenshot na pinost ng dancer/actor mula sa kanyang Facebook account.

Dinepensahan ni Albie si Natividad at nagbigay din siya ng opinyon hinggil sa isyu.



May mensahe rin siya sa mga basher ng actor.

Ani Albie,  “Saludo ako sayo brother @nikkonatividad.



“Wala naman mali sa sinabi ni Nikko, lahat naman tayo may sariling opinion and we all have the right to voice that.”

Aniya pa, “Ang mahirap is gusto niyo mawalan ng trabaho ang taong nag susuport ng pamilya dahil lang sa opinion niya.”

Kaya nasabi ito ni Albie dahil naramdaman niya kung papano mawalan ng trabaho.

Thru his experience nang sandamakmak noon ang namba-bash sa kanya because of Andi Eigenmann.

***

JOSHUA PINASAYA BERTDEY NI EMILLIENNE

IBINAHAGI ni Emilienne Vigier, ang rumored girlfriend ni Joshua Garcia, ang birthday celebration niya sa kanyang Instagram.

Mga larawan ng kanilang mga kaibigan na nagsidalo sa kanyang birthday party.

Hanggang ngayon ay wala pang pag-amin sa publiko sina Joshua at Emilienne sa kanilang relasyon.

Pero sa larawang binahagi ni girl ay may kuha na silang dalawa lang ng actor ang nasa frame na very sweet.

Ang caption ni birthday girl: “My bestest friend reminded me (all the time actually) lots of times last night that I am loved by many and I know so when I always see the same people show up for me & others from our smoll circle since 2017.”

“Merci fwends for always being present and real (& the rest who I have no photos with basta happy kayo ok na ako).”

“Masaya buhay ko dahil nandiyan kayo. I appreciate and love y’all so much, I really cried a river,”  mahabang caption ng birthday celebrant.

Sa larawan ay makikitang nag-eenjoy ang actor sa birthday party ng rumored gf.

Binati rin ng actor ang birthday girl kung saan isang childhood picture ang pinost niya sa kanyang socmed at sinulatan ng “HBD.”

Nag-respond naman si Emilienne ng, “JTM.”

***

WALA pang reaksyon si Claudine Barretto sa annuled isyu ng kasal ni Jodi Sta. Maria sa mister nitong si Pampi Lacson.

Si Jodi ang girlfriend ng ex mister ni Claudine na si Raymart Santiago.

Sinilip namin ang Instagram page ng actress.

May posted message siya hinggil sa annulment at DIVORCE law na naaprubahan na ng Senado kamakailan lang.

Sey ng Optimum actress: “Annulment is a very long, painfull and expensive. Divorce gives you a second chance to right your wrongs.

JUST MY OPINION”

Tama naman ang sinabi ng actress na long process ang annulment at talagang magastos.

Ang tanong, ano kaya ang reaksyon niya ngayong naaprubahan na ang annullment ni Jodi kay Pampi Lacson?

Even si Raymart ay wala pa ring binibigay na reaksyon.

Ang tanong, magpapakasal na kaya sina Jodi at Raymart?