Advertisers
Sa isinasagawang pagdinig ng COMMITTEE ON PUBLIC ORDER AND SAFETY na pinamumunuan ni CONGRESSMAN DAN FERNANDEZ patungkol sa isyu ng COVID-19 PANDEMIC ay naihayag ni CONGRESSMAN ROMEO ACOP na ang kaniyang asawa ay namatay sa COVID dahil ayaw nitong magpabakuna ng CHINAVAC…, este, SINOVAC na gawa ng CHINA.
Teka.., paano kaya natiyak ni HONORABLE ACOP na COVID ang ikinamatay ng kaniyang asawa gayung noong COVID PANDEMIC ay ipinagbawal ang AUTOPSY; dahil isinaksak sa isip ng mga tao na ang COVID-19 ay napakalakas ang VIRUS at malakas makapanghawa.., kaya ang sistema noon ay agad na ipinasusunog o kini-cremate ang lahat ng mga namatay at sinasabihan ng mga hospital staff ang pamilya ng namatay na ideklarang COVID ang ikinamatay at wala nang babayaran pang anumang gastos sa naging pagkakaratay sa ospital ng namatay.
Noong kasagsagan ng COVID PANDEMIC, ang 3 kong anak na pawang mga binata’t dalaga na ay nahawa sa kanilang mga pinsan ng ubo’t sipon hanggang nilagnat dahil iisang compound lamang kami sa aming tirahan sa Quezon City.., na ang mga anak ko ay umabot sa wala silang panlasa sa pagkain at pang-amoy. Pawang mga bakunado ang mga anak ko dahil requirement sa mga estudyante noon, na pinayuhan ko silang
huwag magpo-post sa facebook na sila ay may mga sakit.., dahil siguradong susunduin sila ng ambulansiya para madala sa mga isolation center. Tanging ako lamang ang hindi bakunado sa aming pamilya na hindi ko inilagi sa tig-iisang silid ang mga anak ko sa halip ay sinabihan kong piliting kumain kahit wala silang panlasa at pang-amoy na kami ay magkakahalubilo sa loob ng aming bahay.., matapos ang halos 2 Linggo ay unti-unting nanumbalik ang panlasa at pang-amoy ng mga bata na hindi naman ako nagkasakit o nahawa gayung magkakahalubilo kami sa loob ng aming bahay.
May mga kaibigan akong nagpaturok ng COVID VAX na nagkasakit at namatay sa ospital.., na ang kanilang pamilya ay inalok ng mga hospital staff na ideklarang COVID ang ikinamatay at may mga papeles na pinirmahan.., siyempre pa pumayag ang kapamilya dahil wala na silang babayaran pa sa pagkakaospital ng nasawi; kaya hindi katakatakang lomobo ang bilang ng sinasabing namatay sa COVID-19.
Sa ating bansa ay pinasimulan noong March 1, 2021 ang kampanyang national vaccine drive laban sa COVID-19 na ang layuni’y mabakunahan ang 70 milyong-katao hanggang sa pagtatapos ng taong 2021.Ang kampanyang ito ay pinangunahan at pinangasiwaan ng INTER-AGENCY TASK FORCE FOR THE MANAGEMENT OF EMERGING INFECTIOUS DISEASE.., na idineklarang SAFE AND EFFECTIVE ang mga gagamiting COVIDVAX gayung ang inaprubahan pa lamang ng FOOD AND DRUG ADMINISTRATION (FDA) ay EMERGENCY USE AUTHORITY at wala pang PRODUCT CERTIFICATION bilang patunay na sertipikadong pumasa na ang pambakuna sa mga experimentation process, kasi kasalukuyan pa lamang itetesting sa tao ang mga pambakuna kung epektibo nga ba.
Bunsod niyan ay maraming tao ang naging bantulot para magpabakuna dahil nasa EXPERIMENTATION STAGE pa lamang ang mga pambakuna, gayong bulto-bultong pambakuna na ang inorder ng gobyerno at mapapanis na ang mga pambakuna.., kaya para mapaubos o magamit ang mga vaccine ay tinakot ang mamamayan sa pamamagitan ng pagdedeklara noon ni dating PRESIDENT RODRIGO DUTERTE na binibigyang kapangyarihan ang mga BARANGAY OFFICIAL, na arestuhin ang kanilang mga kabarangay na ayaw magpabakuna. Resulta, halos mag-aala-una pa lamang ng madaling-araw ay dagsa at siksikan na ang mga tao sa mga vaccination center at halos nag-stampede para sa pagpapabakuna sa takot na sila ay arestuhin.., hayun marami tuloy ang dumanas ng adverse effect.
Kasi, ang mga VACCINATOR ay hindi na sinunod pa ang tamang proseso ng PAGTUTUROK.., tulad halimbawa na bago bakunahan ang isang tao ay dapat inaalam muna ang medical history, kung may allergy o may kasalukuyang iniinom bang gamot o maintenance; basta turok ng turok na lamang at ang masaklap pa ay ang sistemang mala-pass thru na itinulad sa fastfood restaurants ang pagpapabakuna., na kahit kasalukuyang nagmamaneho at may nakitang vaccination area o VAXTHRU TENT sa kalsada ay tatapat lamang ang nagmamaneho at babakunahan na sila kasama ang kaniyang mga kasakay sa kotse.
Maraming dumanas ng adverse effect tulad ng pagka-stroke, paralyzed at maraming mga namatay.., na hindi na inalam ang tunay na sanhi sa pagkamatay dahil may nilikhang batas noon na hindi maaaring i-autopsy ang patay at hindi maaaring kasuhan ang vax manufacturer gayundin ang vaccinators.., gayung sa ibang bansa tulad ng UNITED KINGDOM ay kinakasuhan ang vax manufacturer sa sinapit na adverse effect ng gamot; kaya, ang ASTRAZENICA VACCINES ay binawi nila ang mga gamot at inaming may rare effect ang kanilang vaccines.
Ibig sabihin, sa ibang bansa ay napapa-autopsy ang dumanas ng adverse effect o ang namatay kaya nadidiskubre ang naging sanhi na siyang ebidensiya sa paghahain ng kaso.., pero sa ating bansa ay bawal i-autopsy ang namatay sa idinideklarang COVID ang naging sakit.., e paano kaya natiyak ni HONORABLE ACOP na COVID ang ikinamatay ng kaniyang asawa noon?
Sa punto ng ARYA.., dapat busisiin ang sistema sa ginawa ng VAX INITIATORS dahil hindi na inalam pa ang medical history ng babakunahan na unang step ng mga doktor bago magturok ng anumang gamot sa pasyente; may datos ba ang DOH kung ilan ang mga nagpa-COVID VAX ang dumanas ng adverse effect at mga namatay kumpara sa mga hindi nagpabakuna.., kasi, ang instruction ng WORLD HEALTH ORGANIZATION (WHO) ay dapat imonitor ang lahat ng mga nagpabakuna bagay na hindi ginawa tulad sa aming compound na may dumanas ng adverse effect pero walang health workers ang nag-conduct ng pagmomonitor sa mga nagsipabakuna!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.