Advertisers
Sumaklolo na ang Department of Information and Communication Technology para sa containment sa nangyaring data breach sa sistema ng Philippine National Police.
Sa isang pahayag, sinabi ng DICT na sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang kanilang isinasagawang analysis at containment procedures hinggil sa nangyaring data breach.
Kaugnay nito ay may nakita na umano silang mga malicious accounts na posibleng gumawa at nag- trace ng malware o kahit na anong script na posibleng ginamit para sa privileged escalation.
Batay sa inisyal na pag aanalisa ng DICT, lumalabas na posibleng lagpas isang buwan na ang nakakalipas noong nagsagawa ng cyber attack sa sistema ng PNP kung saan kabilang sa kanilang napasok ay ang Logistics Data Information Management System NG PNP at official repository of data ng police equipment at physical assets ng kapulisan.
Hanggang sa ngayon ay posibleng sinusubukan na umanong pasukin ng mga hackers ang online at permit application platform NG PNP Firearms and Explosives Office.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang pagtutulungan ng PNP Directorate for ICT Management at PNP-ACG sa DICT ukol dito.
Magugunitang una nang inanunsyo ng PNP na isha-shutdown muna nito ang lahat ng kanilang online services until further notice upang mas paigtingin pa ang defensive posture nito laban sa mga hackers.
Halos wala na po tayong maikumento sa isyung ito dahil lahat naman po ay nagagawang pasukin ng mga hackers.
Lahat po ng tao sa mundo ay apektado.
No one is exempted Ika nga!
Kung ang pinaka- powerful na mga bansa gaya ng America,Russia at China ay nagagawang atakihin ng mga cyber criminals tayo pa kayang third world country na napaka- backward ang teknolohiya di lamang sa komunikasyon kundi sa lahat ng aspeto.
Di lamang natin maisip o masukat ang mangyayari sa Pinas sakaling masabotahe ng kalabang bansa gaya ng China ang cyber space ng Pilipinas at mawalan ng internet services sa loob lamang ng ilang araw?
Chaotic ang siguradong effect nito di lamang sa security ng bansa kundi ang grabeng pinsalang tiyak na idudulot nito sa pamumuhay ng lahat ng mga Pilipino.
Sa ekonomiya, komunikasyon at sa mobilisasyon ng mga pangunahing utility services ng bansa ay tiyak na mapaparalisa.
Ngayon pa lamang dapat,may kahandaan na tayong harapin ang mga ganitong delubyo o ang tinatawag na cyber disaster.
Now na before it’s doomsday!
Swak tayo sa banga panigurado!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com