Advertisers

Advertisers

Sa kainitan ng pambu-bully ng China…PBBM: ‘WAG MAGPATINAG SA BANTA NG PANANAKOP!

0 8

Advertisers

IPINAALALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino na hindi dapat magpapatinag sa banta ng pananakot, pananakop at pang-aapi.

Ginawa ni PBBM ang pahayag kasabay ng selebrasyon ng ika-126 taong anibersaryo ng proklamasyon ng Araw ng Kalayaan nitong Miyerkules, Hunyo 12.

Sinabi ng Pangulo na isang karangalan ang mapabilang sa lahing Pilipino na ang mga ninuno ay magiting at nakipaglaban upang maibalik ang kasarinlan at kapayapaan sa ating bansa.



Bilang tagapagmana ng kalayaan na tinatamasa natin ngayon, binigyang diin ng punong ehekutibo na tungkulin ng bawat isa sa atin na pangalagaan ito.

Iginiit pa niya na mahalagang pagtibayin ang katapangan, kung hindi na rin ang ating pagkakaisa at pagtutulungan, sa pagharap sa mga paghamon ng modernong panahon.



Ayon sa Presidente, bilang mukha ng Bagong Pilipinas, sa sariling pamamaraan ay maaari aniyang maging bayani ang bawat isa sa makabagong panahon.

Kasabay nito, hinamon din ni Pangulong Marcos ang mga Pinoy na gamitin ang dunong at sipag sa bawat gawain at ang pinakamahalaga, maging mapagkumbaba, mapagmahal sa bayan at marangal sa lahat ng oras. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">