Advertisers

Advertisers

Michelle proud na inihayag, engaged na!

0 20

Advertisers

Ni BETH GELENA

KINUMPIRMA ni Michelle Madrigal na she’s engaged: Aniya, ‘Yes, I am marrying the man God sent me.’
Sa kanyang Instagram Story, the actress-turned-realtor shared a statement, a few weeks after soft-launching her new relationship and hinting at a fiance.
“Damn if you do, damn if you don’t,” sey ng aktres.
“No matter what you do, people will always have something to say. So, live your life and follow the path that God has given you.”

“I’ve kept my dating life very private since my last relationship, and choosing to stay quiet this time has been the best decision,” dagdag pa niya.
“But YES I am marrying the man God sent me during my waiting season.”
Last May, casual na ni-reveal nito sa kanyang Instagram video that she went out on a date with her fiance.

Hindi niya pinakita ang face ng kanyang fiancee, pero flinex niya ang singsing.
Na-confuse ang supporters ng aktres dahil first time nilang narinig about Michelle’s new relationship.
Ang aktres ay dating kinasal
kay Troy Woolfolk, pero nag divorce sila nung 2022.
May isa silang anak, si Anika, born in 2017.

***
JOLENS AT MARVIN BALIK LABTIM

ANG dami na talagang naghihintay sa labtim na Jolina Magdangal at Marvin Agustin.
Parehong nagpost sa kanilang Instagram Page ang MarJo ng larawan nila kasama ang dalawang award winning actors na sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas.
Tanong agad ng netizens kung may nilulutong project ang dating labtim.
Excited ang reaksyon ng kanilang fans dahil matagal na silang naghihintay na gumawa ng movie ang MarJo.

Hindi maitatanggi na sumikat ang labtim ng dalawa nung kanilang kapanahunan (1990s).
Nung 2019, napabalitang magkakaroon ng reunion movie sina Jolens at Marvin pero hindi natuloy ang proyekto.

Sa 20th anniversary ng kanilang blockbuster movie ‘Labs Kita, Okey Ka Lang,’ nabanggit ni Jolens na gusto niyang magkaroon sila ni Marvin ng reunion project na konektado sa kanilang iconic characters bilang Bujoy at Ned.

“Gusto namin pelikula eh. Either co-prod or talagang hands on kami dun sa project, dun sa istorya, sa lahat. Basta gusto namin something na konektado sa ‘Labs Kita, Okey Ka Lang?’ Kasi 20 years na ‘yung pelikulang ‘yun eh. So anong nangyari kina Ned at Bujoy talaga, di ba?”