Advertisers
IPINAHAYAG ni Philippine National Police Chief, General Rommel Francisco D. Marbil, na kasama sa mga iniimbestigahan ang Regional Director ng Police Regional Office 3 (Central Luzon) sa pagsulpot ng mga iligal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa nasasakupang lugar.
Ito ang inihayag ni Marbil kaugnay ng hindi umano pag-aksyon matapos ang sunud-sunod na pagkakasdiskubre ng mga nagsulputang iligal na POGO o “scam-farm” sa kanilang nasasakupan partikular sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga.
Ayon kay Marbil, aalamin nila kung paano nakalusot ang mga tinaguriang scam-farm sa kanilang mga nasasakupan at naging aksyon ng mga nasabing mga opisyal.
Isinaad ni Marbil na nakatuon ang kanilang imbestigayon sa mga direct na nandiyan ‘yung Provincial Director (PD) at Chief of Police (COP).
Naglabas si Marbil ng babala sa mga pulis na nagsisilbing protector ng POGO na mahaharap sa patong patong na mga kaso.
“Unang-una hindi naman ‘yung term ng protector ano pero kasi may mga semblance na meron talaga. I’ll just give you and example in Porac ano. Bakit natin ni-relieve yung provincial director doon and chief of police kasi may mga killings doon na hindi naimbestigahan mabuti. Hindi kasi siya normal,” sinabi ni Marbil.
“Bakit may mga foreigners na may namamatay doon at dapat inimbestigahan nila. Then sa Bamban naman why do we need to relieve all these people again ganun rin may mga unfounded bodies and ‘yun but I don’t want to say na protector kasi wala naman po talagang protector. We have our IMEG na nag-check doon sa mga tao natin. I guess ang hinahabol natin inefficiency sa mga pulis natin bakit hindi naiimbestigahan at hindi nare-report doon sa headquarters ‘yung mga ganitong pangyayari,” paliwanag ni Marbil.(Mark Obleada)