Advertisers

Advertisers

LRT-2, MRT-3 may libreng sakay sa mga marino ngayon

0 40

Advertisers

MAY libreng sakay ang Light Rail Transit Line 2 at Metro Rail Transit Line 3 para sa mga kababayang nating marino ngayong araw, Hunyo 25.

Ito ay bilang pakikiisa at pakikipagtulungan ng Maritime Industry Authority (MARINA) sa Department of Transportation (DOTr) Railway Sector upang ipagdiwang ang ‘Day of the Filipino Seafarer’.

Ang nasabing libreng sakay sa LRT-2 ay mag-uumpisa simula 7:00 AM hanggang 9:00 AM at magpapatuloy ito ng 5:00 PM hanggang 7:00 PM.



Habang ipatutupad naman ang libreng sakay sa MRT-3 bandang 5:30 ng umaga hanggang matapos ang operasyon ng nasabing rail line.

Pinaalalahanan naman ng ahensya ang lahat ng marino na ipakita lamang ang kanilang valid na Seafarer’s Record Book (SRB), Seafarers Identity Document (SID) o kaya’y Seafarer’s Identification Booklet (SIB) para makapag-avail o makakuha ng nasabing libreng sakay.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">