Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
TALAGANG hindi maiiwasang tanungin si David Licauco na kung wala si Jak Roberto sa buhay ni Barbie Forteza, may chance ba na ligawan niya ang dalaga?
“Mayroon nga, di ba? Depende siyempre, kumbaga never naman kasi kaming nagkakilala or nag-usap in a way na ganun, e.
“Siyempre sa paghahanap ng partner maraming ano, di ko pa alam kung magwo-work kami as partners, di ba? Titingnan mo muna, for sure kayo naman kung may nanliligaw, di ba ganun din.
“I’m in a business na maraming mga ganun, but I try my best to take it lightly kasi at the end of the day, this is just business.”
Ikatutuwa ng BarDa fans kung magkakatuluyan sila.
“We have our own fantasies, we support people,” simpleng reaksyon ni David tungkol dito.
Kahit naman sinong lalaki, kabilang siyempre si David, ang tanungin ay tiyak na sasabihing girlfriend material talaga si Barbie.
At ayon kay David ay malapit silang magkaibigan ni Barbie.
“For me kasi, ang girlfriend material is masipag, she knows what she wants, and she’s like that naman.
“First thing, I really, really care for Barbie. Siguro if she will ask me for advice, you know, I will give it to her.
“Siguro I see her, like I wouldn’t say she’s my bestfriend kasi di naman kami laging magkasama outside. I would say close friends kami.”
Sa mga panayam sa kanila ay madalas na nagiging tila spokesperson ni David si Barbie; aminado ang binata na hindi siya sanay magsalita sa harap ng maraming tao.
Kaya naman labis ang pasasalamat ni David kay Barbie.
“I think I’m very appreciative of that.
“Ano ako, e, introvert. Na-a-anxious ako every time na maraming tao. Di lang naman sa interview even sa malls ganun.
“I think I grew up like that, I’m trying my best to get out of my shell kasi, of course, trabaho ko ito. I’m doing my best.”
Ang pelikula nilang That Kind Of Love ay may premiere sa July 4 sa SM Megamall at regular showing sa mga sinehan sa July 10.
Wala raw pressure na nararamdaman si David sa showing ng pinakaunang pelikula nila ni Barbie.
“For me I’m just doing my job, I prepare hard for every teleserye na I’m part also, di naman ako nape-pressure.”
Mula sa Pocket Media Productions, Inc. at Pocket Media Films, nasa cast din ng That Kind of Love sina Arlene Muhlach, Divine Aucina, Al Tantay, Kaila Estrada at Ivan Carapiet, sa direksyon ni Catherine Camarillo.