Advertisers

Advertisers

Marian sinuway si Dingdong na magpadobol sa pelikula

0 49

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NATAPOS nang gawin ni Marian Rivera ang pelikulang Balota, na siya ang lead star na kasali sa Cinemalaya 2024.

Lumabas na rin ang isang larawan ni Marian sa nasabing pelikula na duguan at marumi. Pero halos lahat ng  comment ng mga nakakakita, ang sabi ay ang ganda pa rin ng aktres.



Sa isang panayam kay Marian, sinabi niya na  hindi siya nag-make-up  at hindi rin nagpadobol sa Balota.

“Ako yung ayaw kasi, feeling ko, halata pa rin. Kaya go, e, ‘yung mga location namin, bundok yung iba. Pag-uwi ko ng bahay, may mga pasa, sugat,” natatawang sabi niya.



May bilin kay Marian ang kanyang mister na si Dingdong Dantes na huwag niyang gawin kapag hindi niya kaya ‘yung eksena. Pero hindi niya ito sinunod.

“Worried siya kasi, kilala niya ako. Alam niya na talagang gagawin ko. Kaya sabi niya, kapag delikado, magpadobol.



“Pag-uwi ko ng bahay, makikita niya, may pasa, may sugat, Ha ha ha,” sabi pa niya.

***

NOONG sinelebreyt ni Kyle Echarri ang kanyang ika-21 taong kaarawan na ginanap sa isang hotel sa Makati kamakailan ay dinaluhan ito ng kanyang mga kaibigan tulad Andrea Brillantes, Miggy Jimenez, Cassy Legaspi, Grae Fernandez, Alexa Ilacad, KD Estrada, Leon Barretto, Frankie Pangilinan, Bailey May at mga ehekutibo ng ABS-CBN at Cornerstone Entertainment, na kanyang management.

Sa isang portal, napansin naman ng mga mahadera  na  wala sa nasabing pagtitipon ang kaibigan ni Kyle na si Darren Espanto kaya  iniisyu na may feud  umano ang dalawa.

Ito ang ilang hirit ng mga katkatera at sawsawera sa kawalan ni Darren sa birthday bash ni Kyle.

“Di ba best friends sila since “The Voice.” Bakit wala si Darren?”

“Oo nga. Feeling ko, di na sila friends.”

“Hindi rin kasama si Kyle sa nag-perform sa concert noon ni Darren.”

“Baka naman hindi invited.”

“Weh. Wala kahit moral support?”

“Wala na si Kyle sa circle of friends ni Darren.”

“Pansin ko rin, mula nang makasama ni Kyle si JK Labajo sa “Senior High” at “High Street”, di na rin sila naging close. Eh, di ba may isyu sina JK at Darren?”

“Wow, guest si Cassy pero waley si Darren.”

Well, hindi naman kaya may previous appointment si Darren that time, kaya hindi siya nakapunta sa birthday ni Kyle?