Advertisers

Advertisers

Basketbolista tinodas ng riding in tandem

0 13

Advertisers

Nasawi ang 30-anyos na lalaking mahusay sa larong basketball nang pagbabarilin ng dalawang lalaki sa bayan ng Obando, Bulacan.

Kinilala ang biktima na si Paul Meneses, Obando Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) employee, residente ng Brgy. Paco.

Sa panayam kay Obando chief of police P/Maj. Mark Anthony Tiongson, sinabing naganap ang insidente 3:00 ng madaling araw nitong Hunyo 30 sa isang kainan sa Brgy. Paco.



Ayon kay Tiongson, natukoy na nila ang pagkakakilanlan ng dalawang salarin na tumakas lulan ng motorsiklo, base na rin sa nakalap na CCTV footage at sa salaysay ng saksi.

Puspusan ang isinasagawang pagtugis ng pulisya sa dalawang salarin na inaasahang hindi pa umano nakakalayo.



Sinasabing maaring kilala ng biktima ang mga salarin at isa sa posibleng sinisilip ng pulisya na motibo ng pamamaril ang anggulo patungkol sa babae.

Bumuhos ang pakikiramay ng mga kasamahan sa trabaho, mga kalaro at taga-hanga sa basketball, kaibigan, kaanak at mga netizen na anila mabait, masiyahin, lingkod bayan at mahusay na basketbolista ang biktima.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">