Advertisers

Advertisers

Bike mechanic pisak ang ulo sa gulong ng close van

0 6

Advertisers

Pisak ang ulo ng isang bike mechanic nang magulungan ng isang close van nang bumaksak sa sinasakayan motorosiklo nang malubak sa isang butas sa kalsada sa Sta Rosa City nito Linggo ng gabi

Kinilala ang biktima na si Michael Noveno Acenita, 43-anyos, bike mechanic, ng 1722 6th St Punta, Sta Ana, Manila; samantala nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng close van na si Hamer Villamayor Diaz, 47-anyos, ng Purok 2 Brgy Marinig, Cabuyao City,

Sa report, 9:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Brgy. Dila Sta Rosa City.

Nabatid na binabagtas ng biktima sakay sa isang Honda Click ang kahabaan ng National Highway kasunod ang isang close van na mimamaneho ni Diaz.

Pagsapit sa nasabing lugar nang malubak sa isang malaim na butas ang motorisklo dahilan upang bumagsak ang biktima.

Hindi na umano nagawang iwasan at makapag-preno si Diaz at magulungan ang ulo ng biktima na ikinasawi noong din.

Nasaksihan ang isidente ng 2 miyembro ng BPAT na nagkataon nasa nasabing lugar.

Nasa kustodiya ng pulisya si Diaz at nakatakdang sampahan ng kasong Reckless imprudence resulting I Homicide.(Mark Obleada)