Advertisers

Advertisers

Vilma inendorso nina Dingdong at Piolo para maging National Artist; Carla balagoong sa promo ng serye, Bea missing in action

0 18

Advertisers

Ni Jovi Lloza

BUKOD sa pag-endorso ng Aktor PH sa pangunguna nina Dingdong Dantes at Piolo Pascual, may 20 pang organisasyon na nagsusulong sa Star For All Seasons na si Vilma Santos para mapabilang na rin sa itatanghal at pararangalan bilang National Artist.

Sa tagal na rin daw nito sa industriya na bata pa lang ay sumasabak na sa mga pelikula at telebisyon.



Kaya panahon na raw para kilalanin ang mga naiambag ni Ate Vi sa industriya sa pagiging institusyon nito kaya deserving na itong mapabilang para itanghal na National Artist.

Mukha nga raw makakamit na ni Ate Vi ang pagiging National Artist.



Wish naman ng Vilmanians na ito na nga raw ang tamang panahon para itanghal na National Artist si Ate Vi.

***



PANSIN naman na solo flight lang daw sa pagpro-promote si Carla Abellana sa kanilang serye ni Bea Alonzo.

Sa Its Showtime ay bukod tanging si Carla lang umano ang nag promote.

Kaya sa vlog ng talent manager na si Ogie Diaz ay nasabi nito na hinahanap ng netizens si Bea nung mag-promote si Carla.

Natanong pa kung di raw kaya bawal si Bea sa pagge-guest sa It’s Showtime dahil may gap sila ni Meme Vice Ganda?

Salag naman ni Ogie na wala naman daw tampuhan sina Vice at Bea dahil may larawan pa silang magkasama.

Sundot pa na namataan daw si Bea sa airport na may kasama na kelot na hinihinala na bago raw nitong syota.