Mail-order brides na nagtangkang dumaan ng Cebu, naharang ng BI
Advertisers
TATLONG kababaihang Pinoy na tiwalang nagpakita ng PSA issued marriage certificate ang hinarang ng mga Bureau of Immigration (BI) officers sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) sa dalawang magkahiwalay na insidente nitong June 28 at 29.
Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang 29-anyos na biktimang babae ay nagtangkang lumulan ng China Eastern Airlines patungong Shanghai nang harangin ng mga miyembro ng BI’s Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) sa MCIA noong umaga ng June 28.
Kasama niyang naglakbay ang isang 30 anyos na lalaking Chinese na nagpakilalang asawa nito. ngunit marami ang hindi tumutugma sa dokumentasyon ng babae kabilang na ang PSA marriage certificate na nagsasabing mag-asawa sila.
Iniulat ni I-PROBES chief Bienvenido Castillo III na nang tanungin ang biktima ay sinabi nito na hindi niya alam ang detalye ng kasal at inamin din nito na binayaran siya ng 17,500 PhP sa pamamagitan ng money transfer at ang halaga ay para sa pagproseso ng dokumento.
“What’s surprising in this case is that they even have photos of their supposed wedding together, which never really happened,” saad ni Tansingco.
“These syndicates seem to have even prepared fake studios for picture taking,” dagdag pa nito.
Sinabi pa ni Castillo na may nasabat pang dalawa pang biktima noong June 29 na patungong rin ng Shanghai. Ang mga biktima na edad 25 at 24, ay nagtangkang bumiyahe kasama ang kanilang mga umanoy asawang Chinese at nagpakita rin ng PSA marriage certificates.
Kapwa inamin ng mga ito na ang kanilang dokumento at kasal ay inayos ng kanilang contact.
Sinabi ni Tansingco na: “This is a clear case of mail-order bride wherein fixers seemingly assist marriages between Filipinas and foreign nationals.”
“These attempts have been intercepted at our Manila airports, hence they are now attempting other airports. They should know that our alert is up on this modus in all international ports of entry and exit,” dagdag pa nito.
Ang tatlo biktima pati na ang tatlong Chinese couriers ay dinala sa inter-agency council against trafficking para sa mas malaliman pang imbestigasyon. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)