Advertisers
Nasaiw ang isang overseas Filipino worker nang sakalin ng kinakasama nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa Malate, Maynila Lunes ng gabi .
Kinilala ang biktima na si Flordeliza Talaro, 27, tubing Davao de Oro at nanunuluyan sa 584-7A Gumamela St., Barangay 704, Malate, Manila.
Sumuko ang salarin na live-in partner nito na si Jhunrey Basta y Florito, 33, tubong Davao Del Norte at construction worker.
Sa imbestigasyon ng MPD-Homicide Section, 8:40 ng gabi nang mangyari ang krimen sa loob ng kuwarto ng mag-live in .
Bago ang insidente, nag-inuman ang dalawa nang biglang mag-away na nauwi sa pananakal ng suspek ng sinturon ang biktima
Matapos ang insidente, boluntaryong sumuko ang salarin at ini-report ang nangyari sa MDRRMO office na siyang nagbigay naman ng impormasyon sa Adriatico Police Community Precinct.
Kasong Homicide ang maaring kaharaping kaso ng salarin.(Jocelyn Domenden)