Advertisers
May “person of interest“ na ang Philippine National Police (PNP) na posibleng mayroon kinalaman sa nawawalang beauty queen na si Geneva Lopez at nobyo nitong Israeli national na si Yitchak Cohen.
Ito ang inihayag ni Col. Jean Fajardo Chief ng PNP Public Information Office sa patuloy na isingawang imbesigasyon binuong Special Investigation Task Group (SITG).
Tumanggi naman si Fajardo na magbigay ng mga karagdagan mga detalye at kung ilang mga POIs ang posibleng nasa likod ng pagkawala ng magkasintahan.
“Sa ngayon hindi ako makagbigay ng information dahil nakiusap yung CIDG na huwag muna magbigay ng detalye but what I can say we are pursuing very good leads,” wika ni Fajardo.
Sinabi ni Fajardo na base sa imbestigasyon ang na-recover natin na isa putting SUV kasama nitong mga nawawalang biktima na pumunta doon sa lupa na kanilang interesadong bilhin.
Nitong Martes, nagpunta na ang HPG sa address na nakalagay sa “certificate of registration” base sa registered owner na i-transfer na niya sa iba tao itong sasakyan.
Isinaad ni Fajardo na kailangan natin gawin ito para ma-trace ‘yung history nitong sasakyan na ito kung paano napunta dito sa mga pinaniniwalaang nating mga persons of interest.
Kaalisabay nito, sinabi ni Fajardo na nagbigay na affidavit ang isang dating pulis na nagsilbing middle sa lupain nais na bilhin ng magkasintahan.
“Yung middleman na ito initially nagpunta sa station at in fact nag-execute na rin siya ng affidavit at kini-claim niya na inaamin naman niya na nagkita sila nung mga nawawalang biktima at pinuntahan nga nila itong lupa na intersadong bilhin nitong magkasintahan at gagamitin natin itong impormasyon na ibinigay niya para makapagsagawa pa tayo ng mga investigation,” saad ni Fajardo.
Isinaad ni Fajardo na iyon direksiyon na tinitingnan at kailangan din natin maimbestigahan kung ito nga bang middleman nagsasabi ng totoo dahil nag-execute naman siya ng affidavit.
“Sa ngayon wala muna tayong ibibigay na anumang detalye dahil ongoing ang investigation at I hope you understand I cannot give further details dahil tuloy tuloy ‘yung ginagawang documentation with respect doon sa mga posibleng pinuntahan ng biktima pati na rin itong middleman,” ani ni Fajardo.(Mark Obleada)