Advertisers

Advertisers

Major General Ramon Enriquez Montano, ulirang ama ng maraming nahirang na mamuno sa PC/INP na ngayo’y PNP

0 63

Advertisers

Kung mayroon man akong ipinagkakapuri at ikinararangal sa mahigit 35 taon kung paninilbihan sa iba’t ibang kapasidad o posisyon sa aking maituturing na second home, siya ay si Major General Ramon Enriquez Montano , ang kauna-unahan at kaisa-isang Chief PC/INP … ang pambansang pulisya na ngayo’y kilala sa tawag na Philippine National Police.

Nabibilang si General Montano sa PMA Class l958 at isa siya sa mga hinahangaang naging top honcho ng Philippine Constabulary/Integrated National Police dahil sa kanyang angking kakaibang estilo ng pamunmuno—ang mga mababang sundalo o pulis at mga sibilyang naninilbihan sa Camp Crame ang kanyang kinagigiliwang makasama at malimit makadaup-palad sa haba ng panahong siya ay Provincial Commander ng Rizal Constabulary Command hanggang sa siya ay napili at nahirang na mamuno ng PC/INP.

Matagal ang panahong inilagi niya sa PC Criminal Investigation Service kung saan una siyang naging Chief ng Police Intelligence Branch sa ranggong Lt Colonel. Maraming tao ang nagsilbi sa kanya sa 3rd floor office na ito ng CIS — na tinaguriang sentro ng aksyon laban sa kriminalidad sa buong bansa.



Pinalad akong masama sa grupong ito ng mga tiktik ng batikang CIS, ang kinatatakutang unit na minsa’y pinamunuan ni General Montano. Habang ako nasa roster pa nuon ng Constabulary Anti-Narcotics Unit (CANU) na ang opisina ay katabi lang ng CIS, na-scout ako ng dating PC Major Adam Mendez Jimenez na mabilis kong nakadaup-palad dahil sa aking pagiging writer-researcher nuon sa office of the Constabulary Adjutant. Mabilis ang pangyayari at sa pagiging tao siya ni Lt Col Montano nuon, dalawa sila ni Major Everlino P Nartatez na naglapit sa akin sa kanya para maging chronicler ng PIB CIS hanggang sa ito ay naging dual office ng itinatatag na PC Task Force Sampaguita na pinamunuan nuon ng batikang si PC Col Antonio P Uy.

Si Colonel Ramon E Montano ang tumayong lider ng TFSampaguita at sa kanyang kanan a si Major Adam M Jimenez at Major Everlino Nartatez. Maraming PMAyer na junior officers sa roster na ito ng TFSampaguita, kasama rin ang ilang reserve officers at mga pinaghalong PC enlisted personnel at mga pulis ng Metropolitan Police Force pa nuon. Metrocom at COSAC elements at Highway Patrol Group riders ang mga bumubo ng Task Force Sampaguita. Sadyang formidable force ng PC sa ilalim ni Lt General Fidel V Ramos pa nuon ang piling task force na ito na buong Pilipinas ang ginalugad sa paghahanap at paglalansag ng mga kidnap for ransom gang, bank robbery gang, syndicated crime groups at private armed groups na nuo’y talamak at kasiraan sa mukha at mamamayan ng bansa — sa tingin ng mga banyaga.



Si General Montano ang haligi ng CIS na hindi maikakaila at hindi malilimutan ng mga opisyal na nahirang na maging hepe o chief o director dito. ANG KANYANG PAMAMARAAN SA PAKIKITUNGGALI SA MGA KRIMINAL AT ESTILO NG PAMAMALAKAD SA KANYANG MGA TAUHAN AY WALANG KATUMBAS…NA SA KANYANG PAGPANAW NITONG IKA-2 NG HUNYO 2024 AY AKING IPINAGPUPUGAY. AKO NA NAGING TAUHAN NIYA NA NATUTO SA KANYANG PARAANG PAKIKIPAGHALUBILO SA MATATAAS NA TAO NG HUKBONG SANDATAHAN AY YAMANG HINDI KO MAITATANGI NA SI GENERAL MONTANO ANG NAGING DAAN SA AKING “FRUITFUL YEARS OF SERVICE TO COUNTRY AND PEOPLE!” . REST IN PEACE … FAREWELL SPIDER 6!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">