Advertisers

Advertisers

Donny At Daddy Anthony Pangilinan Matagumpay Ang ESKAPE Advocacy Tour; Monet Lu At Oliver Carnay Parehong Matagumpay Sa Hollywood

0 29

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

NAGING matagumpay ang isinagawang ESKAPE ADVOCACY TOUR ng GG’s actor na si Donny Pangilinan kasama ang daddy na si Sir Anthony Pangilinan na Presidente ng Rescue PH who emphasized the importance of leadership, relationship, and community support in combating human trafficking.

At nakikiisa rito si Donny. Inikot ni Donny ang Luzon, Visayas at Mindanao sa Advocacy Tour nilang ito kung saan kahit mag-isa lang ang aktor at hindi kasama ang ka-loveteam na si Belle Mariano ay bawat mall show ng Kapamilya Heartthrob ay punung-puno ang buong activity center.



Grabe ang hiyawan, tilian at palakpakan kay Donny sa kanta niyang “You’ll Be Safe Here” na themesong ng very successful nilang teleserye ni Belle, na Can’t Buy Me Love at sinasabayan talaga ang gwapong aktor ng kanyang fans. Iba talaga ang kanyang karisma, umaapaw. Ang mga mall na binisita ni Donny ay ang SM Cebu, SM Davao, SM City Baguio, NU Clark Pampanga. By the way, last June 26 ay nag-umpisa nang ipalabas sa NETFLIX ang Good Games movie ni Donny kasama ang real Mom na si Maricel Laxa na isa sa pinakamahuhusay nating actress. Palabas pa rin ito sa NETFLIX kaya watch na kayo.

***



KAHIT mahigit 40 years na ang MONET LU SALON ng friend naming si Monet Lu sa California patuloy ang pananagumpay nito dahil hanggang ngayon ay si Monet pa rin ang pinagkakatiwalaan ng ilang dekada ng mga rich clients at ng mga bagong costumer.

Yes, I’m proud of Monet at naitaguyod niya ang kanyang salon at naging successful nga siya at nagkaroon ng ilang branch sa iba’t ibang parte ng Amerika. Kumbaga sa artista ay si Monet ang dinudumog ng mga gustong magpa-hair and makeup.



At hindi lang siya kilala bilang salon owner kundi si Monet din ang Mother ng mga sikat na celebrity at ng mga beauty queens sa Philippines and US. Yes, siya ang puntahan ng mga ito kapag may show sila sa California and he is close to Vilma Santos na friend niya for many decades na. Imagine, kahit na nasa cruise ito now with her family ay nagawa pang i-message ni Ate Vi si Monet. Marami pa siyang kaibigan sa showbiz. Si Monet pala ang partner ni Ms. Lou Razon sa 13th Annual Miss Philippines USA at Mister Philippines USA na ang coronation ay gaganapin ngayong July 28, 2024 sa ALEX THEATER GLENDALE, CALIFORNIA. Infairness, dinagsa sila ng maraming sponsors. Yes, maaasahan talaga si Monet pagdating sa mga pageantry. MONET LU SALON is located at 13553 Roscoe Boulevard, Panorama City in the Valley right next to MAMI KING.

***

Oliver Carnay Kaliwa’t Kanan Ang Hawak Na Concerts Sa US
TULAD ni Monet Lu, aba’y noon pa man ay matunog na ang pangalan ni Oliver Carnay. Oliver is very close to comedian/talent manager/vlogger Ogie Diaz, kaya laging maririnig ang pangalan niya sa sikat na Vlog ni Ogie.

At kapag nasa Los Angeles, California si Ogie at nataon na birthday ng komedyante ay may pa-surprise party si Oliver sa kanya. Well, bakit ba ang bongga ng buhay ni Oliver sa US. Kasi maliban sa matagal na siyang based doon ay maganda ang linya ng kanyang trabaho. Siya lang naman ang may hawak ng marketing ng mga concert ng mga bigatin nating singers na ginagawa sa iba’t ibang parte ng America at kung anu-anong local and international events like foreign movies..

Tulad ngayon ay sunud-sunod na naman ang hawak na series of concerts ni Oliver. Kakaumpisa lang ng MILESTONE US TOUR 2024 ni Erik Santos with special guest Mr Viral Stell Ajero of SB19. Infairness, pawang soldout ang bawat venue ng dalawa. Talagang pinipilahan yung concert nila. Kaya maganda rin siyempre ang career ni Oliver kapag ganitong successful na concerts ang hawak niya. Kadalasan ay ang Star Media Entertainment ni Ana Puno ang isa sa producers.

Excited din si Oliver sa USA Concert Tour 2024 ni Vice Ganda titled “YOUR MEMEJESTY QUEEN” this September 20, 2024 at Saban Theatre, Casino Spa Resort- Sept.21, Las Vegas Gold Coast Hotel And Casino-Sept 28 and Sept 29 at Oklahoma Choctaw Casino & Resorts. Produced ito ng Star Media at Lux Entertainment. Yes, isa si Oliver Carnay sa buhay ng show.