Advertisers

Advertisers

MARBIL KAHIT WALANG SONA DI MATITINAG

0 13

Advertisers

NAGPAHAGING itong ating Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil na siya ay pulis ng lahat. Ang nais niyang ipunto rito ay siya ay para sa lahat.

Dahil naniniwala si Marbil na kahit na ano pa ang kalagayan mo sa buhay, ang pangbansang kapulisan ang iyong kaagapay para ikaw ay paglingkuran at protektahan.

Mayaman man o’ mahirap, kanan ka man o’ kaliwa, at kahit na ikaw ay gumitna lamang, ikaw ay kayang paglingkuran ng kapulisan.



Maliban na lamang kung ikaw na mismo ang pagmumulan ng kaguluhan. Siyempre, ibang usapan na yan.

Gaya na lamang nitong State of the Nation Address (SoNA) ng Pangulong Bong Bong Marcos. Para sa ating pinuno ng Kapulisan, hahayaan ka niyang maghayag ng iyon saloobin. Mag-isa ka man, o’ marami pa kayo, o’ kaya naman ay grupo na kontra at kahit na pabor sa Administrasyon Marcos, hahayaan kayong maihayag ang nais niyong maiparating sa Pangulo at taong bayan.



Maliban na lamang kung ikaw o’ kayo ay makakapag-dulot na ng perwisyo sa kapwa niyo Filipino.

Yan ang di matitinag na panuntunan ni PNP Chief Marbil. Nakasaad din yan sa di lang kanya, kung di sa lahat na ng miyembro ng PNP nang sila ay manumpa sa kanilang tungkulin, – ang paglingkuran ang lahat ng patas.



Nakita o nalaman niyo ba ang pahayag nitong si Chief Marbil hinggil sa kahilingan ng mga ‘anti-Marcos’ at maging ng mga ‘pro-Marcos’, lahat sila, para kay Marbil, ay maaring maghayag ng kanilang saloobin sa mga nangyayari sa bansa. Kung, ha, kung ang inyong paghahayag ay di naman makaka-abala o makaka-perwisyo ng iba.

“Maximum tolerance”, ang pinaka-bilin ni Chief PNP sa lahat police personnel na naatas na magbantay sa kaganapan ng SoNA.

Ang kahabaan ng Commonwealth Avenue at iba pang mga ‘major thoroughfares’ sa pagdaraos ng SoNA, kung saan ang Pangulong Marcos ay isasagawa ang kanyang pag-uulat sa bayan sa Batasang Pambansa complex, para kay Marbil ay bukas sa lahat ng nais din maghayag ng kanila damdamin.

“You can go for protest, but make sure not to cause inconvenience, have pity on others,” ang pakiusap nga lamang ni Chief Marbil.

Kung baga, maaari ang sino man ay magpahayag din ng kanilang SoNA, pero ng walang maiistorbo o’ maaabala. Kung magkaroon man ng abala, aba, para sa matikas na Mamang Pulis na ito, pulis na ang bahala din sa inyo. Pihadong mayroon kayong paglalagyan, dahil ang PNP Chief na ito, ay di natitinag sa anumang klase ng panggugulo.