Advertisers
INANUNSYO ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) noong Hulyo 19 ang pagsususpinde sa lahat ng towing at clamping operations sa lungsod.
Ginawa ang suspensiyon ng bagong talaga na MTPB Officer-in-Charge na si Narciso T. Diokno.
Sinabi ni Diokno na iniutos niya ang suspensiyon dahil sa “maraming reklamo” at “sa interes narin ng serbisyo.”
Kung maaalala, sunod-sunod ang naging operasyon ng grupo na kungsaan maraming sasakyan ang kanilang pinagkakitaan.
Nilinaw rin ng bagong upo na opisyal na epektibo kaagad ang kautusan at dapat itong sundin.
Binalaan niya rin ang publiko na ang sinumang sadyang hindi papansinin ang direktiba ay mabibigyan ng kaukulang parusa.(Jocelyn Domenden)