Advertisers

Advertisers

CEB AT AIRASIA NAIBALIK NA ANG ONLINE SYSTEMS SA ‘FULL CAPACITY’

0 11

Advertisers

INIHAYAG ng Manila International Airport Authority (MIAA) noong Linggo na ang mga airline system ay naibalik na ngayon at walang naiwan na mga stranded passengers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 matapos ang IT systems outage na nakaapekto sa mga airline, mga bangko sa buong mundo.

Inanunsyo ng apektadong Cebu Pacific Air (CEB) na ganap na nilang naibalik ang kanilang sistema kasunod ng global IT outage na nagsimula noong Biyernes ( July 19 ) na nakakaapekto sa mga airline company at negosyo sa buong mundo.

Sinabi ni Cebu Pacific Corporate Communication Director Carmina Romero na nakumpleto na ng technology provider ng CEB na ‘Navitaire’ ang pagpapanumbalik ng lahat ng serbisyo nito at ng mga pinagbabatayan nitong server sa “full capacity.”



“All systems are now operational” at plano naming patakbuhin ang aming mga normal na iskedyul ng flight habang pinapayuhan namin ang mga pasaherong may kumpirmadong booking na ipagpatuloy ang pagsubaybay sa status ng kanilang mga flight sa pamamagitan ng https://www.cebupacificair.com/flight-status” ani Romero

Nagpapasalamat din si Romero sa IT at Airport staff na nagsikap upang malutas ang sitwasyon at tumulong sa mga apektadong pasahero sa NAIA Terminal 3.



Pinahahalagahan din ng CEB ang pasensya at pang-unawa na ipinakita ng mga pasahero sa hindi inaasahang pangyayari at mapanghamon na panahon.

Samantala, sinabi naman ni AirAsia Philippines head of Communications and Public Affairs at First Officer Steve Dailisan na simula 2 PM Sabado ay naka-online na ang lahat ng kanilang system. Humihingi sila ng pagunawa sa mga naapektuhang bisita o pasahero habang bumabawi mula sa maraming pagkaantala at pagkansela bilang resulta ng global IT outage mula noong Biyernes.



Ang AirAsia team ay patuloy na nagtatrabaho nang walang pagod upang mabawasan ang mga abala at matiyak na ang mga pasahero ay mananatiling may kaalaman at sapat na pangangalaga.

Noong biyernes ng hapon, Hulyo 19, 2024, ang global IT system outage na pumigil sa mga operasyon ng local at foreign flights ay nag-iwan ng libu-libong departing passengers na na-stranded sa Ninoy Aquino International Airport Terminals.

Inanunsyo ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pagkansela ng 45 domestic at international flights dahil sa system outage.

Naiulat na nasa 12,500 pasahero ng Cebu Pacific ang naapektuhan habang nasa 13,000 na pasahero ng AirAsia Philippines ang apektado samantalang anim na iba pang foreign airlines na nag-ooperate sa NAIA ang naparalisa bunga ng nasabing outage. (JOJO SADIWA)