Advertisers
PINURI ng National Capital Region Police Office, ang anim (6) na tauhan ng NCRPO para sa pagkumpleto at pagtatapos ng kanilang dedikasyon at marubdob na serbisyo sa pamamagitan ng Salamat Kapatid Program noong Hulyo 19, 2024, sa NCRPO Multi-Purpose Hall, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.
Kinilala ni NCRPO Regional Director PMGen Jose Melencio Nartatez Jr., ang gawaing ito dahil sa napakahalagang kontribusyon ng mga magreretirong tauhan. Ang kanilang hindi natitinag na pangako at suporta ay may mahalagang papel sa pagtataguyod ng integridad at legacy ng organisasyon.
Ang mga sumusunod na tauhan ay kumuha ng kanilang Compulsory Retirement na may kani-kanilang haba ng taon sa serbisyo:
PLT ARNEL MC CARTHY CRUZ, EPD, 29 taon, 7 buwan, 21 araw
PLT CARLOS PEDROSO GARCIA, MPD, 28 years, 26 days
PEMS ROMANO CALMA ABERIN, RPHAS, 27 taon, 25 araw
PEMS LORETO LOVERIA UBANOS, JR, RHSU, 26 years, 9 months
Samantala, kinuha ng mga sumusunod na tauhan ang kanilang Optional Retirement:
PCMS RONILON VERGARA VILLENO, RPHAS, 20 taon, 6 na buwan, 4 na araw
PSSg ROSELLER CARON MASIDDO, RHSU, 22 years, 6 months, 16 days
Sa isang inspirational message ni RD Nartatez na kinatawanan ni PBGen Reynaldo M Tamondong, Deputy Regional Director for Administration, sinabi niya “Sa ilang dekada niyo sa pagseserbisyo, hindi matatawaran ang inyong mga sakripisyo at pagtitiis ng mga oras ng pag -iisa habang kayo ay naglilingkod sa publiko at malayo sa inyong mga mahal sa buhay at kamag-anak Your hard work, commitment, and relentless pursuit of excellence have set a benchmark of professionalism and integrity that will inspire future generations.”
Taos pusong pinasalamatan din ang mga tauhan ng NCRPO na magtatapos sa kanilang serbisyo mula sa mahabang taon na panunungkulan at dedikasyon nila sa Philippine National Police. (JOJO SADIWA)