Advertisers
BINARA ni Senator-Judge Erwin Tulfo ang hostile witness na si Gina Acosta, former special disbursing officer (SDO) ni Vice President Sara Duterte, na aniya ay nanloloko na hirap a Tagalog o Ingles nang humarap sa impeachment trial nitong August 17, 2026.
Nagbi-bisaya si Acosta habang kinukuwestyon ni private prosecutor Virgil Ligutan , dahilan upang magkaroon ng mga suhestiyon ukol sa translations para sa kanya.
Tumayo si Tulfo dala ang makapal na kopya ng transcript mula sa Congress hearing noong November 2024, kung saan dumalo rin si Acosta.
Binasa ni Tulfo ang ilang bahagi n transcripts kung saan ipinunto niya na bihasa naman si Acosta sa English at Tagalog nang sumagot sa mga katanungan sa Congressional hearings.
“I have here the transcript of the hearing in Congress. Hindi ko po maintindihan bakit parang dito hirap na hirap po siya mag-Tagalog when in fact, sa Congress po noong November, Tagalog naman po ang sagot niya. Ang tanong po sa kanya ni Congressman Luistro, “payment of incentive?” “11 po.” “Would you know whether this amount would total 120, exactly?” “yes ma’am, [ni] total ko po yan ma’am, 120 million po,” ani Tulfo.
“It’s all, puro Tagalog… what does this mean? I mean, mabuti po sana pati yung discretionary. She’s a government official. She doesn’t know what discretionary means? Dito po, sumasagot naman po siya. English, Tagalog. “Yes po.” “Are you aware?” “Opo, of my authority, special disbursing officer? Kasi po, wala akong alam kung paano po i-implement ang mga confidential,” aniya.
Dagdag pa ni Tulfo: “tama na po itong panloloko sa atin. Please, Mr. President, compel this witness to talk in Tagalog. Kahit po yung mga Bisaya po nakakaintindi ng Tagalog, nakakasalita ng Tagalog, ano tayo sa ibang bansa? Ano tayo mga Hapon, mga Chinese? I know, Ms. Witness, you can understand. You can understand Tagalog. You can speak Tagalog dahil lang dito po ito, ilang pahina po ito. Tagalog po yung sagot po ninyo. English po sumasagot kayo. Tinatanong kayo ng English, sumasagot po kayo. Bakit ngayon parang hirap na hirap? Kailangang i-translate sa Tagalog, sa Bisaya. Sagot, Tagalog, Bisaya, Tagalog, Bisaya. Eh abutin po tayo ng isang taon dito…”
Pagpapatuloy pa ni Tulfo:”Ito po yun. Sumagot naman po siya. Alangan ba naman, lolokohin tayo ng nagta-transcribe po nito. Sagot po yan. Kasi po, nagbabase lang po ako sa ibinigay ni Sir Lachica ng mga ibinalik niya sa akin.” “Ms. Acosta, kindly answer the question.” “Piattos po ang sinabi ko ma’am, na apelyido.”
Si Acosta ay saksi sa Article I, kung saan inaakusahan si Duterte ng maling paggamit sa confidential funds (CF) ng kanyang tanggapan. Bilang SDO sa Office of the Vice President (OVP), siya ang responsable sa pag-release ng CF allocations, gaya ng bayad sarewards at information mula sa confidential informants.
Sa pagharap niya sa Congress inquiry ng committee on good government and public accountability na pinamumunuan ni Manila third district Congressman Joel Chua, inamin ni Acosta na iniwan niya ang pag-disburse ng confidential funds kay Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) chief Col. Raymund Dante Lachica. (JERRY S. TAN)