Advertisers
TUMAAS ang presyon este presyo pala ng oil products the other day sa bansa kaya naman nagtatalunan sa tuwa ang grupo ng mga sindikato ng oil smuggling o ‘paihi’ sa Bataan dahil alam nilang tatabo sila ulit ng limpak-limpak na salapi sa nangyaring oil hike.
Ayon sa source ng BALYADOR, ang mga untouchable na sindikato ng ‘paihi’ na dekada ng nanabotahe sa ekonomiya ng Pilipinas ay malakas umanonsa PNP Bataan, Philippine Coast Guard (PCG) Maritime PNP at NBI-Central Luzon ay itong sina alyas BOGS, CHOLO at GOTO at mga galamay nilang sina alyas Lito ng Orani, Norma, ng Orion, Pedro ng Limay, Jovy at Suya ng Mariveles at isang alyas Blade na diumanoy nasakote na noong nakaraang taon ng NBI-NCR pero aktibong muli sa kanyang operasyon ng pagnanakaw.
Sabi ng impormante, hindi pa consistent ang galawan ng presyo ng krudo at gasolina pero tumataas ang demand para sa mas murang petrolyo kaya maraming tumatangkilik sa ‘paihi.’
Ayon sa impormante, ang paihi o oil smuggling ay ang organisadong sindikato gamit ang mga barko at barge na naka angkla sa karagatan ng Bataan kaya marami ang bumibili sa ‘paihi” dahil mas mura ito kaysa sa mga ibinibenta sa mga lihitimong gasolinahan.
‘Mas gustong bilhin ng mga maliliit na gas station o hindi kilalang mga gas station, mga operator ng mga pampublikong sasakyan at mga tsuper na gumagamit ng krudo na ikarga ito sa kanilang mga minamanehong bus, tricycle o jeepneys.
Malimit makita ang bentahan sa mga highway sa Bataan.’ sabi ng impormante.
Ilang dekada na ang operasyon ng paihi ng mga kilalang sindikato sa lalawigan ni Bataan Governor Enrique “Joet” Garcia at Bataan PNP Provincial Director PCol Marites Salvadoran na hindi magalaw-galaw…
Tutukan natin!
***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com