Advertisers
TATAK PINOY na isang uri ng pagkaing laging kabilang sa mga ipinamamahaging RELIEF GOODS lalo na sa mga nasasalanta ng iba’t ibang KALAMIDAD sa ating bansa ay patok na patok hindi lamang sa AMERIKA kundi maging sa iba’t ibang bansa na maituturing ngayon bilang FILIPINO PRIDE.
Maraming FILIPINO COMPANIES na nagpanimula ng pagnenegosyo rito sa ating bansa ang hinahangaa’t kinikilala sa iba’t ibang panig ng ating mundo at isa na rito ang MEGA SARDINES sa nagsusumigasig na makilala bilang WORLD’S NUMBER-ONE SARDINES BRAND.
Sa isinagawang PRESS CONFERENCE nitong Martes (August 18, 2026) ay nalitanya ni MEGA PRIME FOODS FOUNDER & CHAIRMAN WILLIAM TIU LIM na noong pasimulan nila ng kaniyang asawang si MARYLOU TIU LIM ang MEGA SARDINES 51-taon na ang nakalilipas ay isa lamang silang simpleng FISHING COMPANY na nagtutuon na makapagdulot ng mura at healthy foods sa ating mga kababayan. Hindi umano aakalaing mapasok nila ang massive market sa mga customer tulad ng KROGER sa AMERIKA at sa iba pang mga bansa sa ating mundo.
Sa tala ng WORLD’s LARGEST SARDINE BRANDS ay nangunguna ang LUCKY STAR ng SOUTH AFRICA OCEANA GROUP; ikalawa ang MEGA SARDINES ng MEGA GLOBAL CORPORATION, PHILIPPINES; 3rd ay KING OSCAR ng THAI UNION, NORWAY; 4th ay ang 555 SARDINES ng CENTURY PACIFIC FOOD, PHILIPPINES; 5th ay ang BRUNSWICK ng BUMBLE BEE SEAFOOD COMPANY, CANADA; 6th ay ang SEASON BRAND ng MUTANDIS (MOROCCO/UNITED STATES); at ang 7th ay ang LIGO ng CENTURY PACIFIC FOOD PHILIPPINES.
Naipunto ni MEGA PRIME FOODS INC. CHIEF GROWTH AND DEVELOPMENT OFFICER MARVIN TIU LIM na naipakikita ngayon ni ALEX EALA sa buong mundo ang talento ng mga PINOY sa pamamagitan ng belief, discipline, focus at humility.., na ang MEGA ay ninanais naman nilang madala ang gayong FILIPINO SPIRIT para sa GLOBAL BUSINESS at hindi lamang sa pinapangarap nilang maging matagumpay ang PHILIPPINE SARDINE BRAND kundi ang kanilang pinapangarap ay para sa FILIPINO BRAND na maging NUMBER-ONE SARDINES BRAND IN THE WORLD.
“Mega Sardine reaching shelves across America is an important milestone for our company and for a Filipino brand with global ambitions,” pahayag naman ni MEGA PRIME FOODS CEO MICHELLE TIU LIM- CHAN na ipinunto naman ni INTERNATIONAL MARKET PARTNER/TURNAROUND ARTISTS JAMES MICHAEL “JIM” LAFFERTY ang.., “we are witnessing historic crossover. A humble fishing company that started 51 years ago is now standing shoulder-to-shoulder with global giants across 2,750 Kroger stores in America.”
Ang naturang kompnya ay nasa 3 milyong lata ng SARDINAS kada-araw ang kanilang nagagawa na ito ay ginagawa mismo sa ating bansa at ang iniexport sa iba’ibang bansa ay patuloy ang paglawak kabilang na ang KENYA, JORDAN at AZERBAIJAN. Anila pa ay 24 taon nang nasa export business ang kanilang kompanya at 30 bansa na ang kanilang sinusuplayan.
Gayunman mga ka-ARYA.., ang karagatan ng ating bansa ay mamimilgrong magkaroon ng shortage sa mga isda kung hindi susundin ng mga mangingisda’t mga kompanya ang mga ipinatutupad ng BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES (BFAR) na FISHING BAN.., kaya napakahalaga ang pagsunod ng lahat sa ipinaiiral na tuntunin ng BFAR tulad sa istriktong sinusunod ito ng MEGA PRIME FOODS.., upang sa gayun ay hindi maubos ang mga isda para sa benepisyo hindi lamang sa hapag-kainan ng bawat pamilya kundi ito ay mapamalagi at mapalakas pa ang sektor sa pagpapatrabaho sa ating bansa.., siyempre pa lalong mapalalago ang EKONOMIYA ng ating PHILIPPINE GOVERNMENT!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.