Advertisers

Advertisers

Iskedul ng OPD sa public hospital sa Maynila, nag-adjust

0 5

Advertisers

Nagpatupad ng magkakaibang iskedyul sa Outpatient Department o OPD ang ilang pampublikong ospital sa Maynila ngayong Huwebes, Agosto 20, dahil sa masamang panahon

Sarado ang OPD ng Ospital ng Maynila Medical Center o OMMC, President Corazon C. Aquino General Hospital o PCAGH, Justice Jose Abad Santos General Hospital o JJASGH, at Ospital ng Tondo.

Limitado naman hanggang tanghali ang OPD ng Gat Andres Bonifacio Medical Center o GABMC, Ospital ng Sampaloc o OSSAM, at Sta. Ana Hospital.

Bukas ang GABMC mula alas-otso ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali, habang alas-siyete ng umaga hanggang alas-dose naman ang OPD ng Sta. Ana Hospital.

Mananatiling bukas ang mga emergency room at iba pang mahahalagang serbisyong medikal ng mga ospital na nag-anunsyo nito.

Wala ring OPD sa OMMC, PCAGH, JJASGH at Ospital ng Tondo bukas, Agosto 21, bilang paggunita sa Ninoy Aquino Day.

Magbabalik ang normal na operasyon ng kanilang mga OPD sa Lunes, Agosto 24.Report1:

Nagpatupad ng magkakaibang iskedyul sa Outpatient Department o OPD ang ilang pampublikong ospital sa Maynila ngayong Huwebes, Agosto 20, dahil sa masamang panahon.

Sarado ang OPD ng Ospital ng Maynila Medical Center o OMMC, President Corazon C. Aquino General Hospital o PCAGH, Justice Jose Abad Santos General Hospital o JJASGH, at Ospital ng Tondo.

Limitado naman hanggang tanghali ang OPD ng Gat Andres Bonifacio Medical Center o GABMC, Ospital ng Sampaloc o OSSAM, at Sta. Ana Hospital.

Bukas ang GABMC mula alas-otso ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali, habang alas-siyete ng umaga hanggang alas-dose naman ang OPD ng Sta. Ana Hospital.

Mananatiling bukas ang mga emergency room at iba pang mahahalagang serbisyong medikal ng mga ospital na nag-anunsyo nito.

Wala ring OPD sa OMMC, PCAGH, JJASGH at Ospital ng Tondo bukas, Agosto 21, bilang paggunita sa Ninoy Aquino Day.

Magbabalik ang normal na operasyon ng kanilang mga OPD sa Lunes, Agosto 24. (Jocelyn Domenden)