Advertisers

Advertisers

Dating House Speaker Romualdez naghain ng counter affidavit sa OMB ngayong araw

0 4

Advertisers

Naghain ng Supplemental Counter Affidavit ngayong araw si dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa tanggapan ng Ombudsman upang kontrahin ang naging sworn statement ng 25 dating drivers security aides ng nagtatagong Rep. Zaldy Co.

Isasama na rin natin dyan ang napabalitang pagbaliktad ni Mr. Orly Guteza, pahayag ni Atty Ade Fajardo tagapagsalita ng dating house Speaker

They have come forward and directly contradicted the earlier accounts of the 18 Maleta Boys presented by Atty. Baligod.

Ayon sa kanila, walang naganap na anumang delivery ng pera sa sinumang pulitiko o opisyal ng gobyerno, kabilang na si Rep. Romualdez. HInikayat lamang silang sumali sa isang grupo ng mga testigo kapalit ng pera, at may mga affidavit nang inihanda para sa kanila.

Si Orly Guteza naman, naglabas rin ng pahayag at idinetalye kung paanong ang mga akusasyon ay ipinilit sa kanya para tanggapin at pirmahan, bilang “missing link” na siya raw mag-uugnay daw kay Rep. Romualdez sa kaso.

Magkakasalungat ang mga kuwento. May mga bumabawi. May mga bagong testigong nagsasabing wala silang personal na kaalaman sa mga alegasyon.

In all of this, one thing is common: may mga taong nag-udyok at namilit sa mga testigong ito para idawit si Rep. Romualdez sa kaso.

Sa dami ng magkakasalungat na kwento, napaka klaro na walang ebidensya laban kay Rep. Romualdez.

Matagal na namin itong sinasabi—walang kinalaman si Rep. Romualdez sa mga paratang sa kanya.

We remain confident that in a fair investigating body, mapapatunayan naming walang basehan ang mga akusasyon laban kay Rep. Romualdez. (Cesar Barquilla)