Vilma at Piolo ‘di natanggap nang personal ang mga napanalunang Star Awards for Movies trophies; Dustin napansin ang husay sa pag-arte sa unang pelikula
Advertisers
Ni Rommel Placente
ANG Diamond Star na si Maricel Soriano (In His Mother’s Eyes), ang Star For All Seasons na si Vilma Santos (When I Met You In Tokyo), at Superstar na si Nora Aunor (Pieta), ang mga tinanghal na Movie Actress of the Year sa katatapos lang na 40th PMPC Star Awards For Movies, na ginanap noong Sunday, July 21, sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila.
Yes! Triple tie sina Maricel, ate Vi at ate Guy. First time itong nangyari sa Star Awards For Movies, na may tatlong nanalo sa Best Actress category.
Present sa okasyon si Maricel, kaya personal niyang nakuha ang kanyang trophy. Inalay niya ito sa dalawang nakasama niya sa In His Mother’s Eyes na sina Roderick Paulate, na gumanap bilang kambal niya, at LA Santos, na gumanap naman bilang kanyang anak na isang special child.
Incidentally, si LA ang tinanghal na Movie Supporting Actor of the Year para rin sa IHME, na ka-tie niya si JC Santos, para naman sa Mallari, na pinagbidahan ni Piolo Pascual.
Present din sa Star Awards For Movies si ate Guy, na bukod sa Best Actress trophy, ay tumanggap din ng Dekada Award.
Ang dati niyang mister na si Christopher de Leon, Piolo, at Ate Vi, ay ginawaran din ng Dekada Award.
Si Christopher ay present din sa okasyon. Sina ate Vi at Piolo ay hindi nakarating sa event dahil masama ang pakiramdam ng una, while nasa ibang bansa naman ang huli for a show, kasama ang ilang talents ng ABS-CBN 2.
***
SI Dustin Yu naman ang tinanghal na New Movie Actor of the Year sa 4oth PMPC Star Award For Movies para sa pelikulang Shake, Rattle and Role Extreme-Rage episode.
In fairness, napansin ang pagganap niya sa nasabing pelikula, at kinakitaan ng potensiyal para sumikat, dahil sa kanyang talent at at good looks, kaya naman pumabor sa kanya ang boto ng voting members ng PMPC.
Ang mga tinalo ni Dustin sa New Movie Actor of the Year category ay sina Ron Angeles (Mallari), Ellyson de Dios (In His Mother’s Eyes). Shun Mark Gomez (Huling Palabas), Fino Herrera (Here Comes The Groom), Markus Joseph Manuel (Unspoken Letters), Ninong Ry (Shake Rattle and Role Extreme- Mukbang episode),at Charles Temones (Losers 1, Suckers 0)