Advertisers
Ni Jovi Lloza
SA panayam kay Bimby Aquino, bunsong anak ni Kris Aquino, sa isang event sa BGC, masaya nitong ibinalita na maybe Seprember or early ng October this year o bago mag-Pasko ay pauwi na nga raw ang kanyang Mom.
Miss na raw ni Kris si Balsy Cruz at iba pa nitong sisteraka.
Ilang taon ding nanahan ang Star Of All Media na si Kris sa Tate.
Bukod sa bumubuti na ang kalagayan nito ay natanong din si Bimby kung magaling na ang kanyang mudra.
Ani Bimby na papunta na nga raw sa paggaling ang kanyang Mom.
Bilib si Bimby sa kanyang Mom Kris dahil figther ito at talagang lumaban sa kanyang sakit.
Kahit sa panayam sa kanya ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz noong 2021 ay sinabi nito na malapit na itong bumalik ng Pinas.
Kahit sa pagbabalik ni Kris sa Pinas ay si Bimby pa rin ang mag-aalaga sa kanyang Mom.
Maraming netizens ang pinuna ang kabutihan ng pagiging anak ni Bimby sa kanyang Mommy.
***
MAY tsika na sumasagitsit na galing sa mga Maritess na umano ay nabasted ni Kathryn Bernardo si Jericho Rosales. Nagtangka raw na manligaw si Echo sa Asia’s Superstar na si Kathryn.
Pero nabigo raw ito na masungkit ang puso ni Kathryn.
Dahilan kaya raw nabaling ang atensyon ng aktor sa anak ni Lotlot De Leon na si Janine Gutierrez.
Pero wala pang komento ang bawa’t kampo kung true na si Janine na ang nililigawan ng aktor after nito maligwak kay Kathryn.
Well, well, well…’Yun na!