Advertisers
Ni Beth Gelena
NAGSALITA na si Kobe Paras hinggil sa real score nila ni Kyline Alcantara.
Ani Kobe, they are just great friends.
Sa isang panayam, sinabi niya he hasn’t asked Kyline to be his girlfriend.
Marami kasi ang nag-speculate na may relasyon na ang celebrity couple dahil sa larawan nilang sobrang close na naglabasan online. “We are great friends.”
Um-attend sa GMA Gala Night ang basketbolista at marami nga ang nakapansin sa closeness ng dalawang celebrity.
On the other hand, he mentioned that Kyline was in attendance during the opening of his new tattoo studio, which just shows their closeness. “Bakit girlfriend agad? Nagtanong na ba ako,” pakli niya. “We are just great friends right now, really close friends.”
Eh, bakit nakaflex ang larawan nila na hinahalikan niya sa forehead ang Kapuso aktres? Ito ang tanong ng isang netizen.
***
IKINATUWA ng netizens ang pagkikita nina Marian Rivera at Heart Evangelista sa GMA Gala 2024.
Nakuhanan ng photos at videos ang dalawang Kapuso aktres kung saan pinag-usapan ang kanilang pagtatagpo.
Isa kasi sa highlights ng event was Marian and Heart’s interaction.
Pinag-usapan ang dalawang aktres dahil sa kanilang stunning beauty.
Dati kasing tila may competition sa pagitan ng dalawa kaya nagkaroon ng gap sa pagitan nila.
Komento nga ng isang netizen, “di naman nila sinabi na super friends sila, civil lng, nagbabatian pag nagkikita etc. Kita nyo nga di nila binonggahan yung mga damit nila kc wala ng competition since nagmature na both, relax n lng. Habang busy yung mga artista sa harapan
ng stage para magpicture taking , itong dalawang ito busy magkamustahan kc alam na nilang pareho silang reyna ng GMA, hindi na nila need makipagsiksikan sa harap.
“Nung hayagan na nagaaway may kuda kayo, ngayon na ok na at sister mismo ni Heart ang naging way ng reconnection nila, may kuda pa rin kayo! Ano ba talagang gusto nyo?”
Usap-usapan kung sino raw ang mas stunning ang beauty sa dalawang aktres.
“Isa ito sa mga inaabangan din during GMA Gala”