Advertisers
Ni Rommel Placente
SA Instagram, muling ipinaramdam ni JK Labajo kay Dia Mate kung gaano niya ito hinahangaan at sinusuportahan kasabay ng pagbati sa pagkapanalo nito bilang Miss Reina Hispanoamericana Filipinas 2024.
Kalakip ang litrato nila ng beauty queen ay ang nakakakilig na mensahe ng OPM hitmaker na pinusuan at ni-like ng kanyang mga tagasuporta.
“I have seen how you’ve gone through all the challenges and difficulties of the pageantry world with grace and elegance and I couldn’t be any prouder.
“You have been my queen since day one and the only difference now is that you’re wearing the crown that you so deserve. This is just the beginning.
“To my sweet baby with the kindest heart and a smile that lights up my world, congratulations! I love you,” buong caption ni Juan Karlos sa kanyang IG post.
Si Dia ang magiging bet ng Pilipinas sa Reina Hispanoamericana 2024 pageant na gaganapin sa Bolivia habang si Miss Baguio City Krishnah Marie Gravidez ang itinanghal na Miss World Philippines 2024. Siya ang magiging representative ng Pilipinas sa 72nd Miss World pageant.
Nang tanungin sa isang panayam kung sasamahan ba ni JK ang kanyang partner sa international pageant para suportahan ang dalaga, ang sagot niya, “It depends. It depends.”
***
HANGGANG ngayon pala, hindi pa rin daw tanggap ng isang aktor ang paghihiwalay nila ng dating girlfriend kahit ilang buwan na rin silang hiwalay nito.
Madalas daw naglalasing ang aktor dahil nga hindi raw nito matanggap na wala na sila ng aktres.
Sinasabihan daw ng kanyang mga magulang si aktor na kalimutan na si aktres at mag move on na at huwag nang maglasing.