Advertisers

Advertisers

‘KATARUNGAN CARAVAN’ PINURI NI DG CATAPANG NG BUCOR

0 37

Advertisers

PINURI ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang Katarungan Caravan na pinangunahan ng Department of Justice Action Center (DOJAC) sa pakikipagtulungan sa Public Attorney’s Office (PAO) at sa Legal Aid Society na tutugon sa mga legal na pangangailangan ng mga taong pinagkaitan ng kalayaan (PDLs).

Sa ilalim ng patnubay ni Justice Secretary Crispin “Boying” Remulla at supervision ni Undersecretary Margarita Gutierrez, merong itinalagang 15 lawyers sa ilalim ng DOJAC na magbibigay ng legal services gaya ng drafting ng requests para sa mga qualified PDLs para sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) at parole, preparasyon ng indorsements sa BuCor at iba pang katulad na serbisyo.

Ayon kay Catapang, ito ay magpapalakas sa “Bilis Laya Program” ng Marcos administration at malaking tulong din para sa kanilang decongestion program.



Pinuri din ng BuCor Chief ang naging kautusan ni Sec. Remulla noong Pebrero kung saan inatasan nito ang mga Prosecutors ng mga criminal case na determinahin ang Certainty of Success o kaseguruhan ng pagkakapanalo ng kaso at kung hindi naman matitiyak ang conviction ay dapat agad magsumite ang prosecutor ng karampatang motion para maiatras ang kaso.

Ikinatuwa din ni Catapang ang pag-apruba ng Department of Budget and Management para sa pagkuha ng karagdagang 178 na abogado para sa Public Attorney’s Office, na nagsasabing ‘isang malugod na hakbang para dagdagan ang mga abogado ng PAO na sobra-sobra sa trabaho at ito ay mangangahulugan ng mas maraming abogado na maaaring tumulong hindi lamang ang mga PDL at iba pang mga kapuspalad at disadvantage na miyembro ng lipunan. (JOJO SADIWA )