Advertisers

Advertisers

22 SENATORS PINASUSUSPINDE ANG PUBLIC TRANSPORT MODERNIZATION; JEEPNEY OPERATORS NA NAG-CONSOLIDATE UMALMA!

0 21

Advertisers

LUMAGDA ang 22 senador sa resolusyon na humihimok sa pamahalaan na pansamantalang suspindehin ang pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) o tinatawag ngayong Public Transport Modernization Program (PTMP).

Tanging si Senadora Risa Hontiveros ang hindi lumagda sa Senate Resolution 1096.

Isinumite ni Senate Committee on Public Services, Chairperson, Senador Raffy Tulfo ang Senate Resolution 1096 matapos niyang mapag-alamang hindi umano planado at minamadali lang ang pagsasagawa ng modernization program.



Binigyang-diin din ng senador sa nasabing resolusyon ang mga hinaing ng bawat apektadong driver, grupo, union at maging transport cooperatives.

“While the PTMP is integral to the traffic management solution, there is an urgent need to thoroughly review and reassess the impact of the program, to alleviate the fears of the drivers and transport operators who will be directly burdened by its implementation,” sabi ng mga senador sa resolusyon.



Sinabi rin ng mga Senador na ang mga maliliit na stakeholder na ito, partikular na ang mga driver na nananatiling unconsolidated, ang nawawalan ng pang-kabuhayan.

Ito ay sanhi ng kakulangan ng information drive sa panig ng gobyerno upang turuan ang mga apektadong partido gayundin ang pasanin sa pagpopondo sa halaga ng mga modernong PUV.



Iginiit ng mga Senador na dapat solusyunan at ayusin ng Department of Transportation ang mga alalahanin na ipinahayag ng mga apektadong stakeholder, lalo na ng mga driver.

Para naman sa mga napilitan o nagboluntaryong mag-consolidate, malaya pa rin silang dumaan sa kanilang karaniwang ruta habang nagpapatuloy ang pagrepaso. (Mylene Alfonso)

JEEPNEY OPERATORS NA NAG-CONSOLIDATE UMALMA!
TARGET magkasa ng mga nag-consolidate na jeepney operators ng mga serye ng protesta kapag sinuspinde ang pagpapatupad ng PUV Modernization Program (PUVMP).

Sinabi ni DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Andy Ortega, nagpahayag ng magkahalong lungkot at galit ang transportation cooperatives at corporations sa panukalang Senate resolution para pansamantalang suspindehin muna ang pagpapatupad ng PUVMP.

Ani Ortega, pakiramdam ng mga tumalimang jeepney operators na mayorya sila at niyakap nila ang programa dahil alam nilang wala na itong atrasan at maraming oras at pera na ang kanilang ipinuhunan sa programa dahil naniniwala sila sa programa ng gobyerno.

Batay sa DOTr official, nasa 83% ang PUV operators ang nag-consolidate sa mga kooperatiba o korporasyon nang magpaso ang April 30 deadline para sa consolidation.

Samantala, sa parte naman ng DOTr, sinabi ni USec. Ortega na naghahanda na sila ng sulat para malinaw at maihayag sa mga butihing Senador ang tunay na estado ng PUVMP.