Advertisers

Advertisers

AKIN NA ANG ASO KO…

0 46

Advertisers

MARAMI ang namangha sa pagbukas ng ika-tatlumpu’t tatlong Olimpiyada itong tag-araw ng 2024 sa lungsod ng Paris. Huling nagpaunlak sa prestihiyosong palarong ito ay ang Grecia kung saan ang kauna-unakang Olimpiyada ay ginanap noong 776BC. Ang kauna-unahang Olimpiyada sa modernong panahon ay ang kauna-unahan noong taong 1896.

Ang pagkakaganap sa Paris noong taong 1900, ang unang modernong patimpalak, at mula noon na ginaganap na ito tuwing apat na taon. Mantakin, ang buong lungsod ng Paris ang naging entablado, at anglahat ng tao, naninirahan man o dayo, naging saksi na kaganapan. Tunay na namangha ang lahat sa ginawang palabas. Pupupugay ang abang kolumnistang ito sa mga naghanda, mga nagsiganap, at ang lahat ng nagsilahok, artista man o atleta.

Mauukit ang XXXIII Paris Olympics sa kamalayan ng lahat. Malayo ang narating nito sa ginawang pagsinaya ni CharlesPierre de Frédy Baron de Coubertin sa loob ng ani Coubrtin: “L’important dans la vie ce n’est point le triomphe, mais le combat, l’essentiel ce n’est pas d’avoir vaincu mais de s’être bien battu. “Ang mahalaga sa buhay ay hindi ang tagumpay ‘kundi ang pakikipagsapalaran, ang mahalaga ay hindi ang tagumpay, ‘kundi ang lumaban ng husto.”



Hindi mawawala ang kontrobersya sa anumang okasyon at dalawang bagay ang naging kontrobersyal sa pagdaos ng Olimpiyada. Una, ang mga retablo o “vignettes” na naging kontrobersiyal, kapuna-puna ang itinayong “catwalk” na kinahawigan ng mga tao, kabilang ang malalim ang pananampalatayang Kristyano na ito ay kasintulad ng Huling Hapunan na makikita sa hapag-kainan ng sinumang Kristiyanong Pinoy saan man sa mundo. Ito ani ay isang pagyurak sa Kristyanismo.

Inaamin ko maging ako ay uminit ang ulo dahil nangibabaw ang galit. Ngunit naghunos-dili nga si maliit na kolumnista. Nang humapo ang galit, nanumbalik ang pagiging marahan at napaisip; dahil dito naging “anti-christ” na daw ang tema ng Olympiyada, samantalang kung sinusuri natin mabuti, ang retablo ay pinapakita ang “Bacchanalia” isang uri ng kasiyahang pagpugay kay Dyonisius ang diyos ng alak at kasiyahan ng mga Romano at Griyego. Ito ay kasiyahang pagano at hindi Kristiyano.



Pasensya na po at nag “nerding” ang lolo niyo. Bilang isang mataimtim na nananampalataya, na gumagamit ng rason at lohika, bago ilabas ang sibat at sulo, at manunog ng pagano at erehe, maghuhunos-dili, at gamitin ang kakayahang magnilay. Sa palagay ng abang kolumnistang ito, ito lamang ang paraan upang maliwanagan ang pag-iisip, at apulahin ang apoy sa damdamin. Pakiusap ko huwag tayong maging mapusok, wag magpadala sa simbuyo ng damdamin “NO CHRISTIANS WERE HARMED DURING THE PRODUCTION OF THE XXXIII OLYMPICS.

Pangalawa, at sa palagay ko mas masidhing isyu ay ang naganap sa Women’s boxing sa pagitan ni Angela Carini ng Italya at Imani Khelif ng Alherya. Sa pagkaka-alam ko po, si Kheif, ay isang babaeng biolohikal na may taglay na X at Y kromosoma. Ang babaeng biolohikal ay may XX at ang lalaki ay XY na kromosoma. Hindi pinalahok si Kheif noong 2023 dahil natuklasan na may mataas na lebel ng testosterone ang kanyang katawan.



Napag-alaman din na dalawa ang taglay niyang kromosoma, X at Y. Dahil binago ng mga tagapangasiwa ng Paris Olympics ang criteria, pinayagan siyang lumahok sa boksing kalaban ang ibang kababaihan. Ayun napilitang umayaw ni Carini matapos ang 46 na segundong laban. Nangamba si Carini sa kayang kaligtasan kaya nagpasya siyang tumigil sa laban. Sapantaha ng kolumnistang ito walang “egalité” o pagkapatas sa Pranses sa naganap na boksing, sapagkat naging dehado ang isang atleta, hindi dahil sa kakayahan ng isa, kundi dahil sa kromosoma na nagbigay ng kakaibang lakas sa kalaban.

Dahil dito nararapat lamang na magdagdag ng bagong kategorya sa larangang ito para isama ang mga genetic transsexuals o mga taong “di tiyak” ang kasarian, pati na mga atletang alam ang kasarian ngunit may taglay na kakaibang kromosoma. Dati na naging isyu ito lalo na nung hindi pa pinagbawal ang paggamit ng “anabolic” o “performance enhancing steroids” matagal na rin isyu ang pagkakaroon ng mga atletang “di-tiyak ang kasarian katulad ni Nancy Navalta, na dumanas ng katakutakot na kahihyahan.

Sa tingin ko kapag magdagdag ng kategoriya para sa kanila, doon lamang magiging patas ang laban. Huwag tayong mag-alala, at dati nang ginagawa sa Olimpiyada ang magdagdag ng klasipikasyon sa dinaraos sa paligsahan nito. Isa dito ang isama sa larangan ng boksing ang kababaihan.

Panuldok sa kolum ko si Dikec Yusuf, ang sumali sa larangan ng pamamaril o “shooting” para sa bansang Turkiya. Naging kapansin-pansin si Dikec na lumahok na walang dalang iba gamit kungdi ang baril niya at suot niyang simpleng kasuotan, samantalang ang ibang kalahok may taglay na iba’t-ibang “gadgets.” Nang tanungin ang 52 gulang na mekaniko sa pagpanalo niya ng pilak na medalya, simple lang ang sagot: “upang makita ang mga anak niya at patunayan na mali ang kanyang “ex”. Hindi niya akalaing makakasama siya sa palahok, at ang nais niya ay makapilin ang mga anak at ipasyal sila.

Ayon sa social media nag-umpisang bumaril si Yusuf sa gitna ng masalimuot na divorce proceedings. Ang totoo dahil si Yusuf ay dating miyembro ng hukbo ng Turkiya at dati nang sumasali sa mga paligsahan katulad ng Olimpiyada kaya hindi natin malalaman kung totoo o hindi ang nababasa natin sa social media. Ngunit ang katotohanan, ang pagiging matagumpay ay wala sa kasuotan o palamuti ng lumahok. Simple lang ang pahiwatig ni Dikec sa kanyang ex: “Sharon kung napapanood mo ito, akina ang aso ko.” Natitiyak ko gagawin itong meme at pagpipiyestahan ka ng mga gumagawa ng T-shirt sa buong mundo. Hindi malaon na tataubin niya si John Wick. Saludo kami sa iyo Dikec at sa ating lahat, Kasihan nawa tayo ni Poong Kabunian.
***

mackoyv@gmail.com