Advertisers

Advertisers

Pulis todas sa ambush

0 15

Advertisers

NASAWI ang isang pulis nang tambangan sa Barangay Baluan, General Santos City nitong Linggo ng madaling araw, August 4, 2024.

Sa mga hiwalay na ulat ng General Santos City Police Office at ng Police Regional Office-12, sakay ng kanyang motorsiklo si Patrolman Jobert Horcedera Moremonte nang paputukan ng mga kalalakihan na nakaabang sa madilim na lugar sa Purok Mapagmahal, Agan GreenVille, Barangay Baluan.

Kasapi si Moremonte ng isang police unit na sakop ng PRO-12.



Ayon sa ulat, nakadapa si Moremonte sa gilid ng kalye sa tabi ng kanyang motorsiklong Yamaha NMAX, nang datnan ng mga pulis at barangay tanod na nagresponde sa insidente.

Inaalam pa ng mga imbestigador ng General Santos Police kung sino ang mga nasa likuran ng pananambang kay Pat. Moremonte.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">