Advertisers

Advertisers

Para iwas dengue, cleanup drive sa mga bgy paigtingin – Mayor Honey

0 22

Advertisers

NANAWAGAN si Mayor Honey Lacuna sa city’s 896 barangay chiefs na paigtingin ang cleanup drive sa kani-kanilang nasasakupan laban sa dengue na karaniwang tumataas ang kaso lalo na kung panahon ng tag-ulan. Pinakiusapan din ng lady mayor ang mga magulang ng mga bata na sawayin ang kanilang mga anak sa paglalaro sa tubig-baha dahil magdadala ito ng maraming sakit na posibleng ikamatay.

Ginawa ni Lacuna ang panawagan matapos makatanggap ng ulat ng bilang ng kaso ng suspected, probable at confirmed dengue cases sa lungsod na pumalo na sa 131 mula July 21 hanggang Aug. 9.

Sa nasabing bilang, ikinalungkot ni Lacuna na 23 ang kumpirmadong kaso habang isa ang namatay.



Ang bilang ayon pa kay Lacuna na isa ring propesyunal na doktor ay hindi na dapat pang tumaas sa pamamagitan ng preemptive actions na posibleng pangunahan ng mga barangay leaders at pamunuan ang kanilang nasasakupan sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang kapaligiran sa lahat ng oras.

“Ang dengue ay sakit na maaring iwasan. Dala ito ng lamok pero naiiwasan kung pananatihing malinis ang paligid.. Huwag mag-iwan ng imbak na tubig, linisin ang mga kanal dahil diyan namumugad ang mga lamok na may dalang dengue,” giit ni Lacuna.



Pinakiusapan din ni Lacuna ang mga barangay authorities na sawayin ang mga bata sa paglalaro at paglangoy sa tubig-baha.

Mula Naman July 16 hanggang August 5 ay mayroon ng naitalang siyam na namatay mula sa 11 kaso ng leptospirosis sa Maynila.



Sinabi ni Lacuna na ang sintomas na ipinakita ng mga naitalang kaso ay mataas na lagnat, sakit ng katawan at hirap sa pag-ihi na ayon sa alkalde ay apektado na ang pag-ihi.

Hinikayat ni Lacuna ang mga kabataan na mag download ng game app na ‘Kapitan Ligtas’ upang malaman kung ano ang sakit na dengue habang nag-e-enjoy sila ng game.

Samantala, ay nakahanda na ang Ospital ng Maynila Medical Center (OMMC) para sa posibleng pagtaas ng kaso ng leptospirosis ngayon panahon ng tag-ulan.

Hinikayat ng bagong talagang hepe ng OMMC na si Dr. Aileen Lacsamana ang lahat ng division chiefs ihanda ang lahat ng resources ospital pati na ang bed-capacity nito para sa mga apektadong pasyente.

Base sa datos ng OMMC’s Department of Internal Medicine, ang ospital ay mayroong 37 leptospirosis patients simula ng manalasa ang bagyong Carina.

Karamihan sa mga pasyente ay mula sa ikalimang distrito ng Maynila. (ANDI GARCIA)