Advertisers

Advertisers

12-anyos ginahasa at pinatay sa Isabela

0 46

Advertisers

PINAGSAMANTALAHAN at pinatay ang 12-anyos na babae sa Barangay Buenavista, Isabela nitong Sabado.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na inutusan ang biktima subali’t hindi na ito nakabalik.

Hinanap ang biktima ng kanyang tiyahin at natagpuan ang tsinelas nito at duguang bangkay na halos wala nang saplot sa kalapit na bakanteng lote.



Ipinag-utos ni Mayor Sheena Tan-Dy ng lugar na ito sa mga pulis ang masusing imbestigasyon sa insidente.

Ani Dy, may lead na ang pulisya sa kaso kasunod ng pag-review sa surveillance footages sa lugar.



Nag-alok naman si Konsehal Arlene Jane Alvarez-Reyes ng lugar na ito ng P100,000 pabuya para sa impormasyong magreresulta sa pagkakaaresto sa salarin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">