Advertisers

Advertisers

Barilan sa Caloocan: 1 patay, 1 sugatan

0 20

Advertisers

NASAWI ang isang lalaki at sugatan ang isa pa sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Caloocan City, Linggo ng hapon.

Sa ulat ni Caloocan City Police chief Colonel Paul Jady Doles kay Northern Police District (NPD) Director, Brigadier General Rizalito Gapas, 4:15 ng hapon nang maganap ang pamamaril kay alyas “Jeff” sa loob ng isang abandonadong bahay sa Rosal St., Barangay 181.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang salarin na si alyas “Bagyo” sa hindi matukoy na direksyon, habang isinugod ang biktima sa Tala Hospital subali’t ideniklarang dead on arrival.



Alas-8:30 naman ng gabi nang barilin si alyas Moamar, 34, ng kanyang ka-lugar na si alyas “Kambal” sa King Fahad St., Phase 12, Barangay 188.

Mabilis na tumakas ang salarin sa hindi matukoy na direksyon, habang isinugod ang biktima sa Tala Hospital.



Hanahanap na ng pulisya ang mga salarin. (Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">