Advertisers
IDINEKLARANG dengue hotspot ang ilang barangays sa Quezon City nang makapagtala ng 148 kaso ng dengue, batay sa health office ng lungsod nitong Lunes.
Kabilang sa mga barangay na dengue hotspot ang Lourdes, San Isidro Labrador, Santa Teresita,Batasan Hills, Bagumbayan, Blue Ridge B, Libis, St. Ignatius, Baisa, Sangandaan, Talipapa, at Tandang Sora.
Nauna nang sinabi ng Department of Health (DOH) na karamihan sa mga nagkakasakit nasa edad sampu pababa, tumaas din anito ang dengue cases sa bansa ng 33% kumpara sa mga naitala noong 2023.
Nilinaw din ng ahensya na nagsasagawa pa sila ng imbestigasyon dahil hindi pa tiyak kung ang dengue outbreak ay dulot ng mga bahang dala ng mga nagdaang kalamidad.